Tom Rodriguez, ang lakas maka-relate ng character sa serye

MAIINIT NA pinag-uusapan ngayon ang beki-seryeng My Husband’s Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo ng GMA-7. Palong-palo ang seryeng ito na talaga namang sinusubaybayan ng  publiko ang bawat episode.

For the first time, nagpaka-daring ang Kapuso Network sa ganitong klase ng istorya, ang gay love affairs. Nakaiintriga ang bawat eksena, mabilis ang takbo ng istorya at magagaling ang mga artistang nagsisiganap.

Ang lakas ng dating ni Roi Vinzons bilang macho father ni Tom na galit na  galit sa mga bakla.  Maging si Kuh Ledesma, swak ang character bilang rich mother ni Tom na matapobre. Ang singer-actress rin ang kumanta ng theme song ng nasabing beki-serye. Masuwerte ang GMA-7 dahil napapayag nila itong lumabas sa telebisyon.

Ayon kay Kuh, nagustuhan niya ang material dahil bago. Hindi ‘yung typical teleserye na paulit-ulit na lang ang material. Ito rin ang pagbabalik telebisyon ni Roi Vinzons na matagal ding nawala sa limelight.

“Challenging ‘yung role ko rito kaya ko tinanggap at first time kong makakatrabaho si Ms. Kuh (Ledesma) as my wife,” say ng magaling na actor. Sa totoo lang, perfect as husband and wife sina Kuh at Roi.

Kahit may namimintas sa serye, mas marami naman ang pumupuri. Wala pa ngang isang linggo ipinalalabas, hinahanapan agad ng butas ang takbo ng istorya. Pinipintasan pero sila itong nakatutok sa mga susunod na eksenang mangyayari sa maintrigang pagmamahalan nina Dennis at Tom. Kung hindi ka happy sa pinanonood mo, might as well turn-off your TV at manahimik ka na lang or change the channel kung saan ka mag-i-enjoy. Ganu’n lang ‘yun, huwag magpaka-hipokrita!

Papaano naman, marami ang nakare-relate sa characters nina Dennis at Tom plus Carla. Sa panahon ngayon, marami ang naglitawang mga beki sa ating society pero tanggap na sila. Maraming macho gays na may asawa’t anak, itinatago ang tunay nilang katauhan. Ultimo mga baklang totoo ay nakapag-aasawa na rin ng babae, macho gays pa kaya? It’s a matter of choice, kung saan ka maligaya, enjoy life. Ngayon lang kasi tinalakay sa isang teleserye ang ganitong klase ng istorya sa telebisyon kaya’t tinututukan ito ng madlang pipol.

May chemistry bilang gay lovers sina Dennis at Tom na alam naman nating tunay ang kanilang pagkalalaki. Pareho silang delicious at pinapantasya ng mga kababaihan, matrona, lalung-lalo na ang mga bading at macho gays.

Kahit medyo hirap si Tom sa mga dramatic scene niya, nakaaarte na ito sa eksena nila Dennis. Ramdam namin ‘yung character na kanyang pino-portray at kung ano ‘yung kanyang pinagdaraanan.

Infairness sa director, inalalayan niya si Tom sa mabibigat nitong eksena. Maganda ang galaw ng kamera pati anggulo ng bawat artista, gusto namin. Na- touch kasi sa hospital scene ni Tom kung saan nagtangkang magpakamatay si Dennis dahil sa matinding pagmamahal niya kay Tom.

“Huwag mo nang uulitin ‘yun,” say ni Tom na paulit-ulit nitong sinabi. Habang hawak niya ang kamay ni Dennis na parang nangingilid ang luha. Bigla niyakap ni Tom si Dennis, sabay sabi uli na umiyak na, “Huwag mo nang uulitin ‘yun.” What a scene, I love it!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

19 thoughts on “Tom Rodriguez, ang lakas maka-relate ng character sa serye

  1. HINDI KUMPLETO ARAW KO PAG DI KO NAPANOOD MY HUSBANDS LOVER…SANA MAGKATULUYAN SI DENNIS AND TOM SA ENDING…LOVE KO NA SI TOM RODRIGUEZ AND DENNIS TRILLO…SUPER GALING SA PAG-ARTE…AYOKO SA MARAMING COMMERCIALS…

  2. baka nakakarelate si tom dahil may bahid? hahahahaha! naku, balita ko hindi daw pinapasok ng commercial ang my husband’s lover totoo ba yon? hahahahahahaha!

  3. NAKOH, EDDIE LITTLEBIRD, NAGPAPARINIG KA SA MGA NANG-OOKRAY NG “MY HUSBAND’S LOVER” EH AYAN LANG SA TABI MO. DI BA, ROEL VILLACORTA? HAHAHAHAHA

    SI ROI VINZON, HYSTERICAL ANG PAGKA-MACHO HA. NALOKAH AKO NUNG SIGAWAN NYA YUNG 2 BEKI SA GYM NA, “HOY, HINDI BA KAYO NAHIHIYA SA GINAGAWA NINYO? ANG LALAKI NG MGA KATAWAN NYO PERO ANG LALANDI NYO! KITANG KITA KO ANG KULAY NG MGA MATRES NINYO, LOKO KAYO!” HAHAHAHAHA. KALOWKAHNG HOMOPHOBIC LINES!

    TRU KA JAN, EDDIE LITTLEBIRD. VERY TOUCHING ANG SCENE NINA DENNIS AT TOM SA HOSPITAL AFTER MAG-ATTEMPT SI DENNIS NG SUICIDE. NATURAL ANG DATING.

    MAY CHEMISTRY NGA ANG DALAWA. PERO PAYO LANG, GMA, WAG MASYADONG I-PLAY UP ANG BROMANCE ANGLE NG DALAWA. PARANG PANAY NA ANG GUESTING NG 2 WITHOUT CARLA. YUNG DUET NILA SA “SUNDAY ALL-STARS” EH OK LANG KAHIT MEDYO PARANG HIRAP SI DENNIS. NEXT TIME, BAWAS-BAWASAN LANG ANG TITIGAN NG DALAWA AT HAWAKAN KAHIT PA STR8 NAMAN ANG DALAWA. BAKA MA-OA-YAN NA ANG VIEWERS. DEVAH? 

    • jan naman kayo magaling pag puro kabadingan sa t.v. yan number one sa inyo, pag kabadingan na palabas sa sinehan blockbuster sa inyo, pag kabadingan ang concert jumpacked kayo, kz nga ang philippines showbiz ay puro kabadingan, puro kanotahan, puro gifted ang sinasabi at djutay at dakota harison, puro katitiian ang alam lahat ng reporters sa pilipinas kulang na lang lagyan ng TITI ang mga noo nila para masayang masaya mga bakla sa showbiz sa pinas kaya lugmok na lugmok na ang PHILIPPINE SHOWBIZ INDUSTRY compare sa HOLLYWOOD pag may pelikula laging may aso ang mga back up pero d2 sa pinas na pelikula puro mga bading ang back up sa pelikula… kakadiri kayo wala kayong matinong gawa bakla na nga kayo puro pa kabaklaan mga sinusulat nyo may pa nota nota pa kayo dakota harisson kung ano ano pa

    • Maski ako dami ng tawa ko nung napanood ko yung eksena na yun with Roi Vinzon. Walang kupas, galing. Cgro nangangapa pa ang mga advertisers, but am sure uulanin yan ng sandamakmak na commercials lalo pa bukambibig tlga ng madla ang MHL.

  4. I’m happy na nabigyan ng chance si tom to do my husbands lover, ang galing galing niya. Lahat ng cast  bagay na bagay sa roles nila. Excited for upcoming episodes.

    • TOMOH! YUNG HOSPITAL SCENE NILA. NATURAL NA NATURAL ANG DATING. HINDI MELODRAMATIC AT OVERACTING. NAKA-PUNTOS SI DIREK DOMINIC ZAPATA DOON. MAGALING ANG PAGKAKADIREK NYA SA EKSENA. WALANG LABIS, WALANG KULANG. IMAGINE, STR8 PA YANG DIREKTOR. I BET KUNG BEKI ANG DIREKTOR NYAN, BAKA PINAARTE NANG PINAARTE ANG DALAWA, WITH MATCHING HAGULGULAN AT IYAKAN. BAKA PINAARTE PA NANG HUSTO SI DENNIS NUNG MAG-FOCUS ANG CAMERA SA FEZ NYA. DEVAH?

  5. True ang galing umarte ni Tom. Kahit na kaunti lang ang commercials nito ay pinaguusapan pa din. Siguro ay di pa alam ng mga advertisers kung anong babagay sa ganitong tema ng palabas pero kung ako sa kanila, research na sila kung anong produkto ang bagay sa mga beki dahil sayang ang viewership ng mga tao! =))

    • True, kinakabahan ang nga adverisers mag support dito, but marami na ang sumusunod sa show na to, even my kapamilya friends.

      • Alam mo Joel, kailangan mo nang harapin ang katotohanan. Bakla ka. Bading ka. Yun lang ang dahilan kung baki ka nanggagalaiti sa mga bakla. Kasi hindi mo matanggap na bakla ka at ayaw mong pagdudahan ka ng mga tao kaya ipinoproject mo sa iba.

        Kasi kung tunay kang lalaki, dapat secure ka sa sexuality mo at kung ano ang ginagawa ng ibang tao ay hindi nakakaapekto sayo. Pero kitang kita naman ang galit mo na misplaced. Kaya ang obvious and valid conclusion sa pananaw ni Roi Vinzon: “Verde ang dugo mo at kitang kita ang kulay ng matris mo!!!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.