Tom Mott, may lugar sa showbiz after PBB! – Chit Ramos

SAYANG AT PINUTOL ang column ko noong nakaraang Miyerkules kung saan ko prinedict na sakaling maagang ma-evict si Tom sa Pinoy Big Brother (Double Up), may lugar na siya sa showbiz. Sa dami ng nag-i-e-mail sa inyong lingkod, it’s easy to say that Tom will be the next Sam Milby of PBB.

Hayan, na-evict na nga si Tom noong Biyernes. Payapa niyang tinangggap ang hatol ni Kuya. “I accept your decision,” sabi niya sa one-on-one talk nila ni Big Brother. “I am so ashamed for what happened and I can’t face the people out there anymore. I’m just going back to the States, sa military and suffer the consequence of what I did.”

May kinalaman sa games/task sa loob ng PBB ang forced eviction ni Tom na ipinataw sa kanya. “I should have slept off my headache. Sobrang sakit ng ulo ang nararamdaman ko. At first time nangyari ‘yun sa akin. I didn’t want to disappoint my housemates. I wanted to continue with the game kahit hilung-hilo na ako. Ayokong wala akong ginagawa o nako-contribute to somehow win the game. I should have controlled myself and my emotion. Nahihiya talaga ako. Alam kong kasalanan ko. I wanted very much to stay, but the rules of the house should be followed. May kutob ako na ganito nga ang mangyayari.”

Nasuntok kasi ng tatlong beses ni Tom ang dingding ng bahay ni Kuya. Sa lakas ng puwersa, pati kamay niya ay nasugatan din. Sarili lang niya ang kanyang sinaktan. Para nga siyang si Robin Padilla kung magalit. Puwede siyang maging action star.

Wala ni isang patak ng luha ang tumulo sa mga mata ni Tom. ‘Di tulad noong matuklasan niyang nakaalis na pala ng bahay ang mahal niyang si Princess. Napaiyak talaga siya. Pati tuloy si Princess na nasa labas ng bahay ni Kuya nang mga sandaling iyon ay napaiyak na rin. Haba ng buhok ng babaeng ito. Hindi iyon isang eksena sa pelikula kundi sa tunay na buhay. What more kung isang araw ay maging actor din si Tom? Magkakaroon na ng kalaban si Jericho Rosales.

Tiyak na masu-sopresa si Tom paglabas niya sa bahay ni Kuya. Marami kasi ang naghihintay sa kanya para alukin ng commercial/ product endorsement ng inuming panlalaki. Ganu’n din ang pelikula at TV show. Kaya lang, makalusot kaya sila sa Star Magic at ABS-CBN? Akala siguro ni Tom wala na siyang pag-asa dahil sa pangyayari. May natanim nang impression sa kanya ang mga sumusubaybay sa PBB. Mabait siyang anak. Concerned sa mga housemates at higit sa lahat, masarap magmahal. Pinoy na Pinoy siya kung manligaw at mag-alaga kay Princess. Sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala, na-miss na nang husto ni Princess ang mga yakap at masahe ni Tom, ‘di ba?

Maiibsan din ang takot ni Tom na baka nagalit sa kanya ang mga tao paglabas niya. Ang hindi niya alam, marami ang sasalubong sa kanyang mga tagahanga. Mayroon ng TOM FANATICS na nabuo. Nauunawaan nila ang silakbo ng damdamin ni Tom. Dahil dito, lalo nilang hinangaan ang binatang Fil-AM. Hinding-hindi nila papayagang makaalis si Tom ng ‘Pinas.

Sige, welcome to the real world, Tom. Meet the real people and make your dreams come true.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

13 thoughts on “Tom Mott, may lugar sa showbiz after PBB! – Chit Ramos

  1. Sana bigyan ng ABS-CBN ng chance c Tom…Ay gwapo cya at may mararating….maganda ang tindig, boses, at magaling pang sumayaw. At saka kakaiba ang charm nya.

  2. Kilala ko pamilya ni Tom dahil ang kapatid nyang babai ay barkada ng anak ko. Mga simpleng tao yan, religious at kahit matagal na clang nag stay sa US naroon pa rin ang mga ugaling pinoy. Ang mga kapatid niya simpleng simple at npakakabait…Kaya very proud ako na they’re friends!….

  3. Pinoy Bayot Brother Tahanan ng mga Bading, Jokla, Vaklush, Bayot, Echosera, Chika at Baklita lol! ABS CBN ang Tunay na Bayot Station

  4. I agree, he will be the next Sam Milby. May talents sya. Ang mali lang nya nagawa eh nagkagusto sya kay Princess na di ganun kaganda.

    Madami talaga nagkakagusto sa kanya kaya sana di na lang sya nilabas sa Bahay ni Kuya.

    Tapos ang pinalita ay isang hunk pero di ganun ka-gwapo tulad ni Tom. Pero maganda ung girl na pumasok kagabi sa PBB.

    Obviously. hindi nag audition ung 2 pumasok sa PBB kagabi dahil mga models na cla.

    Pero sana kasing level ni Tom ung kinuha nila. Malio si Big Brother.

  5. gwapo nga eh kapag e2 nman ang nging bf mo eh ggawin kang punching bag. kaya nga hndi gusto ni ruffa e2 dhil dala na sya sa mga lalaking nangaabuso!

Leave a Reply

Your email address will not be published.