Toll VAT, halos walang epekto sa presyo ng bilihin – Palasyo

MULING TINIYAK NG Malacañang na minimal lamang ang epekto ng toll VAT sa presyo ng mga ibibiyaheng produkto at pamasahe.

Pormal nang sinimulan ang pagsingil ng VAT sa tollways tulad sa NLEX at SLEX sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mga motorista.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi dapat sumobra ang ipapataw na dagdag singil sa “goods and services” at babantayan nila ang mga abusadong negosyante at pampasaherong sasakyan.

Kasabay nito, tiniyak din ni Valte na ang makokolektang VAT mula sa toll ay gagamitin nang maayos at mararamdaman ng mga mamamayan kung saan ito gagastusin.

“Ang commitment po natin diyan is according to our computation, the impact on goods and services will be very minimal and we will be watching those who will be increasing their prices beyond the computations that we have set. So we will not hesitate to go after those who will abuse and use the excuse of the VAT on toll to unduly increase their prices,” saad ni Valte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.