Toll Fee, Nakaambang Tumaas

POSIBLENG TUMAAS ang singil sa mga panguna-hing tollway sa Luzon, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Ayon kay TRB Executive Director Edmund Reyes, Jr., hindi nila mapipigilan ang mga petisyon para sa toll hike. Gayunman ay sisiguruhin umano nila na susundin ang tamang proseso at tamang paniningil sa mga motorista.

“We’re not stopping it (petition for toll hike) but we’re going through the procedures because we have to balance the interests of consumers and investors,” ani Reyes.

Maaalala na may mga inihaing petisyon na itaas ang singil sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (Cavitex) at Star Tollways, na pawang nakabinbin na sa TRB.

Nang tanungin kung maaprubahan ba ang mga petisyon bago mag-Enero 1, 2013, sinabi ng opisyal na: “It would appear so.”

Samantala, nilinaw naman ni Reyes na hindi pa ito huli hangga’t hindi pa natatapos ang pagdinig sa mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.