Token Lizares, ‘di kumikita sa concert

Token-LizaresKILALA N’YO ba si Token Lizares? I’m sure, ‘yung iba: “Sino ‘yon?”

Actually, noon pa singer si Token at tinagurian din siyang “Charity Diva”, dahil nagko-concert ang babaeng ‘yan hindi para kumita sa sarili, kundi para sa mga tinutulungan niyang mga charitable institution.

At ngayon nga ay may concert na naman siya entitled “My Token Of Love” with her very special guests na sina Richard Poon, German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamisa and Le Chazz under the musical direction of Butch Miraflor na ang front act ay walang iba, kungdi ang writer ding si Alex Datu sa Teatrino Greenhills, San Juan on March 22 at 7:30pm na ang beneficiary ay walang iba, kundi ang Holy Family Home-Bacolod Foundation, Inc. which provides residential care, protection, prevention and rehabilitation for the abandoned, neglected, orphaned girls.

Kaya kung manonood ka, ang tickets ay mabibili sa Ticket World (02)891-9999. Nakatulong ka na, nag-enjoy ka pa! Kaya good luck sa kaibigan naming ito na hindi binabago ng panahon. Lalong bumabait sa kapwa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.