Toffee Calma, walang pakialam sa pagiging bading!

MULA NANG MAG-DECIDE si Toffee Calma na “magladlad” sa indie films by portraying gay roles, hindi na siya tinantanan ng ganitong offers. Wala namang pakialam si Toffee. Hindi dahil sa nag-e-enjoy siya, pero ‘yun lang kasi ang ino-offer sa kanya. Umaasa rin siya na manunumbalik ang interest ng mga producer sa kanya para makaganap ng straight guy roles.

Gaya sa latest na nagawa niya, ang indie film na Parisukat, ang maasahan na lang na bago rito ay tipong straight pa rin ang dating ni Toffee by nature, bisexual bale ang role niya rito. ‘Yun nga lang, hindi talaga halata kaya parang straight na rin. Masaya si Toffee sa ganito dahil ibig sabihin, nag-uumpisang mag-evolve na ang kanyang roles, na hindi kinakailangang puro gay na lang.

Sa direksiyon ni Jonison Fontanos, ang importante kay Toffee ay ang magandang tratong ibinigay sa kanya ng staff ng indie film na ito. Binigyan siya ng importansiya. Kasama niya sa pelikulang ito ang ilang indie actors like Jeff Tatsuro, Darwin Taylo at Christopher Canizares.

Promiscuous na bisexual ang role niya rito kaya dapat asahan ang ilang sizzling sex scenes. Pero, ang okey rito, para kay Toffee, lalaki pa rin ang projection niya. This time, ‘yung mga nagpapantasya sa kamachohan niya ay mapagbibigyang muli. Lumalabas ngayon ang bago niyang pictorial sa ilang tabloids, at pati sa Facebook account niya, pinag-uusapan ang kanyang bagong sexy pictorial.

Sa forthcoming indie film na Sukdulan, straight na raw talaga ang character na ginagampanan niya. Magkakaroon uli siya ng love scenes with sexy leading ladies, gaya sa dati kung saan higit siyang nakilala.

ACCIDENTAL politician daw si Vilma Santos. More of a public servant, na hindi naman talaga nag-ambisyong pasukin ang larangang ito. Kung tutuusin, sabi nga ni Ate Vi, showbiz pa rin ang tahanan niya.

Kung may choice si Vilma, pag-aartista na lang talaga ang inaatupag niya. Sa larangang ito, tunay nga naman siyang reyna. Pero, may mga pagkakataong sinusubukan pa rin nga ang katatagan niya. Hindi na maiaalis ang showbiz kay Vilma dahil dito siya higit na nakilala at kahit ano pa ang pasukin niya, ang ikatatagumpay niya ay dahil pa rin nga sa impluwensiyang nabuo niya bilang premyadong artista.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.