Love Compatibility: Todo na ‘to, Moshi-moshi! (Rufa Mae Quinto – Akihiro Sato)

Name: Rufa Mae Quinto
Birthday: May 28, 1978
Zodiac Sign: Gemini
Symbol: The Twins
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Air
Strengths: Jovial, Good at communication, Inquisitive, Flexible
Weaknesses: Selfish, Restless, Confused personality, Find it hard to be punctual

Name: Akihiro Sato
Birthday: August 30, 1986
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth
Strengths: Perfectionist, Realistic/Practical, Dependable and sincere, Patient
Weaknesses: Too critical, Lacks demonstrativeness, Restless, Push himself too much

Parang bagets na kinilig itong si Peachy noong minsan na inamin ng Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato type niya ang sexy comedienne. At sino nga naman ang hindi magba-blush sa kaguwapuhan ng very young and very yummy na 23-taong gulang na model? Pero in all fairness, huh! Mukhang mas nakalalamang si Booba sa ibang mga babae dahil matagal na pala siyang crush ng model-turned-actor simula pa noong makita niya ang mga larawan ng sexy actress sa mga magazines.

Superstar tuloy ang drama ni Peachy at bukod sa magaling sa paningin ng binata ay mabait din daw siya. Naku, naku! Kinakailangang malaman na natin kung compatible nga silang dalawa. Malay ninyo, a match made by the stars ang labas nito! Me ganu’n?

Si Peachy ay ipinanganak noong Mayo 28 at isa siyang Gemini. Samantalang si Akihiro ay noong Agosto 30 at isa siyang Virgo. Ayon sa kanilang love compatibility, magkakaroon ng magandang pagkakaigihan ang pagsasama ng dalawang zodiac na ito. Sa katunayan, magkakaintindihan sila sa maraming bagay partikular na sa may kinalaman sa puso at pag-iisip.

Pero kung gaano sila ka-compatible sa puso’t isipan, mukhang magkakaroon ng kaunting pagtatalo sa kanilang personal na buhay. Pareho silang realistic sa buhay ngunit hindi nila maihayag na mabuti ang kanilang nararamdaman. Dahil dito, magkakaroon sila ng problema sa komunikasyon na mauuwi sa hindi pagkakaintindihan.

Ang mabisang paraan upang mapanatiling nag-aapoy ang kanilang pagsasama ay maging tapat sila sa isa’t isa lalo na sa opinyon ng bawat isa. Bukod pa rito, kailangang makahanap sila ng paraan upang mabalanse ang kritikal na ugali ni Akihiro at ang pagiging taklesa ni Peachy.

Kung bibigyan ng pagakakataon, mukha namang magiging maganda ang relasyon ng dalawa nating superstars. Kaunting pagpapahalaga at komunikasyon ang kailangan para ang pagsasama ay maging masaya at matiwasay! Pero siyempre, iba na kapag super hottie ang makakasama mo panghabambuhay! ‘Ika nga ni Booba, basta kay Akihiro, go go go! ‘Yun na!

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.