To clarify issues with Albie Casiño, Andi Eigenman should better speak up!

LUMAKI NA TALAGA ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Andi Eigenmann at ng dati niyang boyfriend na si Albie Casiño. Dumarami na ang nakikisawsaw tungkol sa kanilang naging alitan na nag-ugat sa mga masasakit na salitang napakawalan ng young actor kontra sa tisay na young actress sa pamamagitan ng formspring. Hindi pa masyadong showbiz si Albie dahil ngayon lang naman siya nakikilala. Kaya mas pinipili muna niya sa ngayon ang manahimik, bagay na tama lang, dahil ngayong sumisikat na siya ay magdudusa siya sa panghuhusga ng marami sa mga susunod pa niyang sasabihin tungkol sa isyu nila ni Andi.

Pero ang dapat na talaga ngayong magsalita ay si Andi. Hindi pa kasi naririnig ang kanyang panig tungkol sa nasabing usapin. Kasi nga, masyado siyang mailap ngayon sa press. Kung madurog man si Albie sa kanyang pupuwedeng sabihin, ay dapat na rin niyang gawin, tutal naman ay nagsimula ang intrigang ito sa mga salitang pinakawalan ng binata.  Marami na kasi ang sumasawsaw ngayon sa isyu nila. Malaki ang angkan nina Andi sa showbiz, at mga sikat pa ang kanilang lahi, na kapag naiinterbyu ngayon ay nadidiin si Albie sa kanilang mga opinyon. Walang laban doon si Albie, dahil sa kanilang pamilya ay siya lang ang showbiz.

Sina Andi at Albie ang dapat na magtuldok sa kontrobersiya nilang dalawa. Pasintabi, pero kahit mabigat ang mga salitang pinakawalan ni Jaclyn Jose patungkol sa pagsuporta niya sa kanyang anak, nakakakaba iyon. Mahirap kalaban ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Magsalita na dapat si Andi, dahil karapatan niyang buweltahan si Albie.  Pareho na silang nasusugatan ngayon ang kasikatan. Napagdududa-hang playgirl si Andi, habang si Albie naman ay nanganganib na maudlot ang kasikatan. Ang sikat na character niya sa teleseryeng Mara Clara ng ABS-CBN bilang si Christian ay napakabait at mapagmahal sa mga babae. Pero kabaligtaran daw iyon sa totoong buhay kung papaano magtrato ng mga babae si Albie. Ganu’n nga ba ‘yon, Andi?

 

TOTOO NAMAN SI Diether Ocam-po sa kanyang sarili nang sabihin niyang para sa kanya ay wala namang problema kung sa mga panahong ito ay mangyayari na magkasama sila ni Kristine Hermosa sa isang project. Dati naman kasi silang may relasyon, kahit naging magulo iyon mula sa simula hanggang sa kanilang paghihiwalay ay mahal na mahal ni Diet si Tin, kaya makakaya niya talaga na muling makatrabaho ang dating karelasyon. Pareho naman kasi silang Kapamilya stars, kaya malinaw ang posibilidad. Depende na nga lang iyon kung papayag si Oyo Sotto na husband ng magandang aktres.

Si Diether naman kasi ang tipo ng tao na tagos hanggang buto ang kabaitan. Kapag nakapag-move on na siya, wala na talaga sa kanya kung anuman ‘yung hirap ng loob na kanyang pinagdaanan. Kaya lang, napakalabo talaga sa ngayon na muling magkasama sila ni Kristine sa trabaho, dahil una sa lahat ay buntis na ngayon ang wife ni Oyo. Tsaka matatagalan na muna bago humarap ulit ang aktres sa kamera para umarte. Busog siya ngayon sa pagmamahal ni Oyo, at kahit daw makapanganak na ay pagpapahingahin muna ni Oyo. Ginagawang parang reyna ni Oyo si Tin. Ganu’n sila ka-sweet.

Matagal na ring zero ang lovelife ni Diether. Si Rima Ostwani ang huli niyang nakarelasyon, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinakikilalang bagong girlfriend. ‘Yung sa kanila naman ni Kris Aquino ay hindi totoo. Iyan din ang mahirap sa sitwasyon ni Diet. Na kapag nagmahal siya ay buhos talaga sa relasyon, kaya ang tagal din niyang magpahinga kapag nauwi sa hiwalayan.

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa mahal naming kapatid sa Philippine Movie Press Club na si Rommel Placente.  Maraming puwedeng maging kaibigan sa showbiz, pero kakaibang karanasan na makilala at makasama mo si Rommel.  Magiging maingay ang mundo mo at mababaliw ka sa katatawa. Kulang ang espasyo para ikuwento ko dito ang magandang samahan namin sa PMPC, kaya happy birthday na lang, Friend!  Alam mo na?

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

4 thoughts on “To clarify issues with Albie Casiño, Andi Eigenman should better speak up!

  1. totoo  ba talaga na si albie casino ang  tatay na dinadala na bata ni andi ngayon?

  2. albie kung ikaw ay may conscience humarap ka sa press with andi at magsalita ka ng katotohanan.afterall minahal mo siya. nag kaniig kayo at kayo lang ang nakakaalam.balang araw pag napatunayan sa d n a na you are the father magsisisi ka . babayad ka ng mahal sa anak mo. stop telling lies to others. maging civilized ka naman.

  3. i think both of them should speak up.they have to face whatever consequences it may brought into their career and worse to their families.if they wont,everything might destroy in one shot..

Leave a Reply

Your email address will not be published.