To aquire Filipino citizenship, Daiana Menezes will marry director GB Sampedro

MEDYO NALILITO PA kami kung ano ba talaga ang balak nitong model na napabalitang inabuso raw ng ilang miyembro ng Azkals.

Hindi ko kasi nakita ang mukha niyan nu’ng nilabas namin sa Startalk dahil request daw niya, takpan ang mukha niya at huwag ilabas ang tunay na pangalan.

Kinabukasan nag-guest na siya sa Paparazzi at Showbiz Central at Amanda Coling pala ang name niya.

Akala ko pa naman gusto niyang magkaroon ng privacy kaya hindi naman inilabas ang mukha niya. Ayun naglalagare na sa mga TV guesting na live pa, dahil siyempre may talent fee iyan.

Pagdating sa isyung rape laban sa Azkals, ayaw niyang magkomento tungkol diyan.

Ang abogado raw niya ang bahala kung ano ang gagawin nila. Basta puro “no comment” ang mga sagot niya, at sinasabi naman niyang mataas ang pagtingin niya sa mga Azkals.

Ang inirereklamo lang niya ay ang biglang pag-pull out sa kanya sa show ng FHM victory party, dahil ayaw na raw ng produktong rarampahan sana nito.

Unfair daw sa kanya dahil pinaghirapan daw niya ang project na ‘yun at may mga kinansel daw siyang raket para lang sa show na ‘yun.

Bongga nga ang babaeng ito dahil nu’ng sinabihan siya na hindi na siya kasali, pumunta pa rin siya sa rehearsal ng FHM at ipinakuha sa GMA news na hindi na siya isinali.

Wala raw sinabing dahilan ang FHM kung bakit siya tinanggal, at nu’ng hinihingan din ng Startalk ang FHM ng statement tungkol diyan, ayaw na nilang patulan.

Kaya tuloy nag-guest na sa mga talk show itong si Amanda para ilabas ang ginawa sa kanya.

Pero ang tungkol sa rape, “no comment” pa rin siya.

Maselan ‘yang kasong rape kaya hindi dapat pinag-uusapan iyan sa publiko, pero ito namang si Amanda labas nang labas.

Kahit ayaw naman niyang magkomento tungkol sa isyung rape, nauungkat pa rin dahil kaya nga nagka-interes ang mga tao sa kanya, gawa ng isyung rape na iyan.

GAYA NINA DANIEL Matsunaga at Heart Evangelista, gusto rin ng magkasintahang Daiana Menezes at Direk GB Sampedro na magbakasyon ng Brazil para makilala ng huli ang pamilya ng una.

Kinikilig nga si Daiana kapag pinag-uusapan ito dahil parang pamamanhikan na raw ito.

Pinag-uusapan na pala nila ang balak na pagpapakasal dahil gusto na raw talaga ni Daiana na maging isang ganap na Pilipina. Isa na nga rito ay ang pagpapakasal sa isang Pinoy na maaaring si Direk GB na ‘yun.

Mukhang seryoso na talaga sila sa kanilang relasyon dahil nagpa-tattoo pa nga sila ng pa-ngalan nila.

Kaya excited silang dalawa sa kanilang balak na pagbakasyon sa Brazil dahil gusto nang ipakilala ni Daiana si Direk GB sa kanyang pamilya.

Sa December daw nila balak na pumuntang Brazil kaya baka sa susunod na taon na ang kasalan?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “To aquire Filipino citizenship, Daiana Menezes will marry director GB Sampedro

  1. sa pinas kasi makakita lang ng tisay at ibang lahi gagagwing model o artista agad, eh sa lugar nila common lang yang ganyang hitsura….

  2. kilala naman talaga ang pilipinas sa hospitality noh so hindi na nakapagtataka pa if gusto ng mga foreigners na maging pinoy..buti pa sila proud sa sarili nating bansa!

  3. why should we take it against these Brazilians if they choose to work in the Philippines? it is their right in the same way that many Filipinos are working in other countries, even those
    which are considered poorer than Philippines.

  4. Hanga ako sa mga brazillian na minahal at inadopt na rin ang kultura nating mga pinoy. Pag silay tinatanong lagi nila sinasabi na parang at home na at home sila ugali kasi natin na mga pinoy na makipagkaibigan at napaka heart warming natin kasi sa mga turista rito. Gaya ni Daniel Matsunaga at Priscilla M. lagi nila tayong pinagmamalaki na napakaganda ng pilipinas… Kaya sana mag stay pa si Diana dito sa bansa natin hehehe…

  5. you know why mega patol at nagsulputan ang mga brazilians sa pinas kasi kung mahirap ang buhay sa pinas, MAS mahirap sa brazil. yun lang!

  6. CALLING BUREAU OF IMMIGRATION………….OVER STAYING NA YATA ITO’NG SI DAIANA MENEZES AKA TIGAS KATAWAN………………PAKI DEPORT NA HO ITO AT KUNG SINO-SINO NA ANG SINOSYOTA NITO………….KAPIT TUKO ITO SA PILIPINAS

Leave a Reply

Your email address will not be published.