TJ Trinidad & Sarah Lahbati: What If I Kissed You?

 

TJ TRINIDAD

Real Name: Raul Trinidad, Jr.

Birthdate: January 22, 1976

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

SARAH LAHBATI

Real Name: Sarah Alzol Lahbati

Birthdate: October 19, 1993

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

KOKAK… KOKAK…KOKAK! Tumatak sa isipan ng mga barako noon ang paglabas ng kauna-unahang KOKAK sa big screen. Ito ay pinagbidahan noon ng sexy star na si Rachel Lobangco at sinuportahan naman ito ni Gabby Concepcion bilang leading man. Walang pakundangan din sila nagsalitan ng mga maiinit na eksena kaya halos for matured audience only ang bansag sa pelikula.

Sa bagong bersyon ng GMA-7 ng KOKAK ay may pagka-wholesome ito. Si Sarah Lahbati ang humalili sa papel na Kara/Kokak at marami ang natuwa na sa wakas ay binigyan din siya ng solo lead project. Ang versatile leading man naman na si TJ Trinidad ang kapareha nito ngayon at base sa mga comments sa iba’t ibang online forums, marami ang kinikilig sa pagsasama nila, huh? Ibig sabihin nito, kaya pa ring mag-creat ng spark ng dalawang tao onscreen kahit pa medyo magkalayo na ang agwat ng kanilang edad. Tsuk!

Pero wait mga Kapuso… kung sa onscreen ay pasado to the max ang tandem nila, may pag-asa naman kaya na mauwi ito sa totoong buhay? Let’s ask the etchoserang froglet stars… hekhekhek!

Kilala bilang mga sociable individuals ang Libra at Aquarius. Gustung-gusto nilang dumalo sa mga pagsasalo at bihira silang makitang nagsosolo. Pareho din silang game pagdating sa matatalinhagang pag-uusap dahil natural sa kanila ang pagiging matalino at outspoken. Ini-enjoy nila ang kanilang freedom at gusto nilang palaging masaya at chill lang ang mga nasa paligid nila. Ang pagkakaiba lang ng dalawa ay mas importante sa Libra ang personal love, samantalang pang-universal naman ang sa Aquarius.

Sa totoo lang, hindi mahirap magka-debelopan ang Libra at Aquarius. Kaya nilang mag-adjust sa mga sitwasyon kung kinakailangan. Mamahalin lalo ng Libra ang Aquarius dahil sa kanyang creativity at initiative, samantalang ikakahulog naman ng loob ng Aquarius ang sense of humor at balance of nature ng Libra. Magkakaroon lamang sila ng problema kung humingi na ng long-term commitment ang Libra, pero hindi naman talaga ito ganu’n kabigat kung tutuusin.

Kahit pa kailangang um-effort nang bonggang-bongga ng Libra para mapapayag mag-commit sa kanya ang Aquarius, hindi ito magkakaroon ng major headache. Maaaliw siya sa pagiging adventurous ng lalaking Aquarius sa samu’t saring larangan, samantalang lalong ikaka-proud ng Aquarius na girlfriend niya ang napaka-sensible at balanseng Libran. In short, they bring out the best in each other!

KOKAK… KOKAK… KOKAK! Ang verdict ng etchoserang froglet? YES! Very much possible na maging sina TJ at Sarah in real-life! Isang halik na lang, p’wedeng-p’wede na!

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “TJ Trinidad & Sarah Lahbati: What If I Kissed You?

  1. Ang galing ni Sarah sa KOKAK! Talagang hit ito! The best! Sana tuloy tuloy na ang mga shows nya para lalo ka pang sumikat!

Leave a Reply

Your email address will not be published.