TJ Trinidad, pumapatol sa bata

TJ-TrinidadKUNG HINDI pa ipinarating ng ilan press kay TJ Trinidad na siya ang pinariringgan ng mag-inang Maritoni at Lexie Fernandez na matanda na para patulan ang isang bata, sa pamamagitan ng social media, walang-wala itong kaalam-alam.

Kasama sa cast ng The Barrowed Wife si TJ na sangkot sa isyu kung saan sila nina Lexie ang magkakasamang guest at maglalaro sa game show na Celebrity Bluff.

Nag-ugat ang tweet ni Maritoni dahil pinagbintangan diumano ni TJ na nandaya si Lexi nang maglaro sila (Lexi, TJ at Camille Pratts) sa Celebrity Bluff last Sunday (hindi na nailabas dahil sa nangyaring dayaan daw). Walang binanggit na pangalan si Maritoni, pero obvious na si TJ ang pinatutungkulan niya ng kanyang tweet na, “Ang tanda mo na nangbu-bully ka pa sa mga bata! Learn to be a good sport! Nakakahiya ka! YOU know who YOU are! Game show lang ‘yan hoy!”

Naging maagap din sa pagtatanggol si Lexi dahil last January 13, nag-post din ito sa Twitter ng, “When someone says something false about you, you stand up for yourself no matter what. Don’t let them manipulate you or the people around you to think that they can get away with giving out the wrong information. Either be right or just keep quiet. Treat others the way you would want to be treated. Give respect, get respect.”

Hindi na sana mauungkat ang isyu kung hindi nag-tweet ang mag-inang Maritoni at Lexi. At para matapos ang isyu, hiningan ng ilang press si TJ ng paliwanag sa tunay na nangyari sa paglalaro nila sa nasabing game show?

“Wala akong Twitter or Facebook. So, I don’t know what’s being said. Actually, na-advice ako ngayon lang na may lumabas daw. I understand that a parent will get protective of their children, because I’m also a parent, a recent parent. So, I understand where they’re coming from. But we can all sit down and talk about it. Nothing would be resolve through social media.

“This is a free country. They can do what they want, whether or not it’s gonna be resolved, that’s really the question that should be answered,” cool na parang hindi naman apektadong pahayag ni TJ.

Ayon pa kay TJ si Camille daw ang nagparating sa kanya na nandaya raw diumano si Lexi sa game show. Nang mapatunayan nga ng actor na tila nandaya nga raw ang anak ni Maritoni, nagreklamo ito at sinabi sa production ang pandaraya raw na ginawa ng young star.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “TJ Trinidad, pumapatol sa bata

  1. PARA KAY MARITONI, LALONG NAPAHIYA ANG ANAK MO SA GINAWA MO. TAMA YUNG SABI NI TJ, DAPAT PAG-USAPAN MUNA. DI KAYA MAS NAKAKAHIYA ANG INASAL NUNG ANAK NI MARITONI, ANG BATA PA EH, MARUNONG NANG MANDAYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.