TJ Trinidad, gustong maranasang mag-romcom

TJ-TrinidadKAPURI-PURI ANG outstanding performance ni TJ Trinidad in Mga Anino Ng kahapon, entry sa katatapos na Metro Manila Film Festival New Wave Section (Full Feature Category 2013). The film presents the challenges of a patient with schizophrenia (Agot Isidro).

More than 10 years na rin si TJ in showbiz. Wala siyang complain as an actor, tuluy-tuloy kasi ang TV project at pelikula.  First soap niya with Judy Ann Santos and Robin Padilla. Memorable para sa kanya ang Gulong Ng Palad. Kahit nagbibida na ang versatile actor, okay pa rin itong tumanggap ng supporting role na hahamon sa kakayahan niya as an actor. “I’m very happy kung anumang project ang dumating. I cannot complain, happy ako.”

Palibhasa nakilala as a dramatic actor si TJ, nangangarap din siyang gumawa ng romantic comedy. “Hindi ko pa nagagawa ‘yun. Mahirap din ‘yun, it’s not so easy to do it. Hindi mo puwedeng sabihin na porke dramatic actor kaya mo na kasi, may timing ‘yan,” aniya.

Gusto niyang maidirek siya nina Direk Cathy Garcia-Molina at Direk Wenn Deramas. “Kahit once lang, ma-experience kong makatrabaho sila.”

As a person, very private ang personal life ni TJ kaya naman walang intriga ibinabato sa kanya. “I try to keep it separately, hindi naman showbiz ang wife ko,” turan niya.

Former model and band member ang actor bago ito nag-artista. “I want to try because you only live once and it’s fulfilling. It’s so weird, when I joined acting, I’m doing a commercial,” dugtong pa nito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “TJ Trinidad, gustong maranasang mag-romcom

Leave a Reply

Your email address will not be published.