Sugod Shooting: TJ at Jillian ng Only You, Mag-On na!

Kinakakiligan ngayong sa ABS-CBN Primetime Bida ang tambalan nina Sam Milby at Angel Locsin sa Pinoy version ng Only You. Hindi lang ito basta palabas na punong-puno ng masasarap na pagkain, marami rin itong rekados na tunay na swak sa panlasa ng mga kapamilya natin.

Mas lalong dumadami ang tumututok sa nasabing palabas dahil nagkatuluyan na nga sa wakas sina Jillian at TJ. Malalaman na rin kaya ng gwapong businessman na anak niya ang bibbo kiddo na si Joshua? Paano na kaya ang loyal bestfriend na si Jonathan (Diether Ocampo)? Makaka-move on na kaya ito at matututunan nang mahalin si Agnes (Carla Humphries)? Matatauhan na kaya si Trixie (Iya Villania) at matatanggap na ang katotohanan na hindi talaga mamahalin pa ni TJ?

Kalurkey ang nagaganap sa teleseryeng ito, huh?! Pero aminin ninyo, gabi-gabi niyo itong inaabangan dahil sa tamis, asim at pait ng kwento ng buhay at pag-ibig ng ating mga bida. Habang tumatagal ay lalo rin gumagaling sa pag-arte ang ating mga artista. Panalong-panalo talaga!

Minsan sumugod sa shooting ang ating kaparazzi at huling-huli nito ang kulitan moments nina TJ at Jillian habang nakikihalubilo ito sa mga fans at press na dumalaw sa kanilang set. Kahit alam natin na hindi talaga mag-on sa tunay na buhay sina Sam at Angel, sigurado naman ako na kinikilig kayo tuwing nakikita niyo silang magkasama. Eto na ang aming patikim sa inyo!

Sugod Shooting
by Mica Rodriguez
Photos By Allan Sancon

loading...

5 thoughts on “Sugod Shooting: TJ at Jillian ng Only You, Mag-On na!

  1. wahhhhhhhhhhhh ang cute ng samgel close na talaga cla kilignesssssssssssss ako we love u samgel ang ganda ng only you

  2. The best ang show na ito. Ang galing ng writer pati na ang mga cast!

    Nakakakilig! Ang gwapo ni Sam! Bagay na bagay sila ni Angel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.