Tiyuhin, Pinagtataga ng 6 na Pamangkin

KASONG HOMICIDE ang isinampa laban sa anim na salarin hinggil sa pananaga hanggang sa mapatay ang kanilang tiyuhin sa Sitio Maeubog, Barangay Calizo, Balete, Aklan.

Sinabi ni SPO1 Panganonong ng Balete-Philippine National Police na kinasuhan nila ng homicide sa Aklan Prosecutor’s Office sina Jayvie Quindong, 34; Santo Nam-ay, 44; Sandro Nam-ay, 20; Marlyn Quindong; Mary Jean Nam-ay; at isang 15-anyos na nakatakdang i-turnover sa Department of Social Welfare and Development.

Ito ay dahil sa pagpaslang sa kanilang tiyuhin na si Eduardo Quindong, 56, na dahil umano sa away sa pamilya.

Lumalabas sa ulat, matapos mabaril ni Eduardo ang isa sa kanyang mga pamangkin na si George Quindong, 21, gamit ang 12-gauge shotgun ay kinuyog ito ng iba pa niyang pamangkin at tinadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at halos mabiyak ang ulo nito.

Lumalabas din sa post-mortem examination, nagtamo si Eduardo ng 13 tama ng taga sa katawan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa krimen.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.