Tiyo, Patay sa 2 Pamangkin

PATAY ANG TIYUHIN matapos pagsasaksakin ng dalawang pamangkin na naasar sa sermon ng una sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Salvador Francisco, 44 ng Pablo St., Karuhatan ng lungsod.

Nadakip naman si Christopher Soriano, 23; habang nakatakas ang kapatid nitong si Carlo, 20, kapwa ng nasabing lugar.

Base sa ulat, alas-11:30 ng gabi, lasing ang magkapatid at sinesermonan ng biktima sa tapat ng kanilang bahay dahil sa palaging pag-inom ng alak.

Nagalit ang magkapatid at kumuha ng mga patalim bago pinagsasaksak ang tiyuhin.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa VGH at nadakip si Christopher habang nakatakas naman si Carlo.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.