TIYAK NA MAGRE-REACT ang palaban ding singer-actress (SA) ‘pag narinig niya ang tinuran ng isang sikat na TV personality (TVP) patungkol sa kanyang anak na babae

TIYAK NA MAGRE-REACT ang palaban ding singer-actress (SA) ‘pag narinig niya ang tinuran ng isang sikat na TV personality (TVP) patungkol sa kanyang anak na babae, na isa ring sikat na aktres (A). For purposes of brevity, tatawagin ko sa mga initials ang mga karakter sa kuwentong ito.

‘Eto ang tsika. Kasado na ang interview kay A ng programang hawak ni TVP. For the first time, sa naturang palabas eksklusibong ilalantad ni A ang relasyon nila ng isang guwapong aktor.

Nagkakaisa ang creative team, tamang-tama raw sana ‘yon para sa Valentine episode ng kanilang programa. Interview schedule at venue na lang ang dapat ayusin.

All set para sa naturang panayam, binalikan ng staff si TVP para sabihing arrangements for the interview details just had to be made. Pero mahigpit ang order ni TVP: kanselahin ang interview. Buwelta nito sa kanyang staff: “I don’t like her (A), she belongs to a pretentious family!”

Nu’n lang napagtanto ng kanyang staff ang ugat ng pagkaimbiyerna ni TVP kay A, at ano ang maliwanag na dahilan? May common denominator kasi sina SA at TVP in terms of the men they chose to marry.

Another clue: sa iisang TV network lang nagtatrabaho sina SA at TVP, isama na ang anak ni SA.

(Ronnie Carrasco)

loading...

6 thoughts on “TIYAK NA MAGRE-REACT ang palaban ding singer-actress (SA) ‘pag narinig niya ang tinuran ng isang sikat na TV personality (TVP) patungkol sa kanyang anak na babae

  1. Korina and Sharon, me actress anak din KC, Both Sharon and Korina married politicians. He he he, giveaway clues.

  2. hay nako, ang gulo2 talaga sa showbis. Sila2 ay bangayan ng bangayan lumalabas tuloy ang ka-cheapan nila.

  3. Kiko & Mar has more similarities than Kiko & James so its not Kris A..

    TVP is Korina kc galit sya kay Kiko/Sharon for supporting PNoy instead of Mar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.