‘Titular Church’ sa Roma, Tinanggap ni Cardinal Tagle

ITINUTURING NA bilang cardinal patron ng Church of Saint Felix of Cantalice at Centocelle sa Roma si Manila Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ay matapos igawad kay Tagle nitong Lunes ang kanyang “titular church”.

Base sa tradisyon ng Simbahang Katolika, bawat kardinal ay ginagawaran ng “titular see” sa Roma na simbolo ng malalim na koneksyon sa Santo Papa.

Isang misa ang isinagawa sa nasabing parokya kung saan sinalubong ng daan-daan ang kardinal. Isinagawa rin nito ang tradisyunal na paghalik sa krus.

Kabilang sa mga dumalo ang mga pari at madre sa buong Roma.

Sinabi ni Fr. Reginald Malicdem, private secretary ni Tagle na sinundan ang misa ng isang canonical possession.

Ang nasabing simbahan ay tinatawag ding Centocelle na mula pa sa Roman cavalry na binubuo ng daan-daang silid noong Roman Empire.

Samantala, pinapa-takbo ang naturang simbahan ng Order of Friars Minor Capuchin mula pa noong 1928.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.