Titser, Tulak ng Shabu

TIMBOG SA buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang public school teacher na nagtutulak ng Shabu.

Kinilala ang nasabing suspek na si Arnulfo Remijio alyas “Kid”, guro sa Amparo High School sa Caloocan City.

Dinampot  ang titser matapos magbenta ng Shabu sa ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer sa bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Quezon City.

Narekober sa suspek ang ilang drug paraphernalia at ang P500 marked money.

Samantala, sinabi ng PDEA na ang suspek ang itinuturong tulak ng ilegal na droga sa ilang kilalang gimikan sa Commonwealth Avenue.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.