Titser, todas sa boga

MAAGANG KAMATAYAN ang sinapit ng isang public shool teacher makaraang tatlong ulit na barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek at pagkatapos ay tangayin ang bag habang naglalakd ang biktima sa isang madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa likod ang biktimang si Loresita Pepito, 39, walang asawa, public school teacher, tubong Cebu City at kasalukuyang nakatira sa Phase 3, Package 2, Block 30, Lot 24, bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon SPO1 Noli Albis, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng (SIDMB) ng Caloocan City police at may hawak ng kaso, dakong alas 7:20 ng gabi kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente sa madilim na eskita sa kahabaan ng Everlasting St., Barrio San Isidro, Barangay Tala.

Lumalabas sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang dalawang hindi nakikilalang suspek na armado ng baril mula sa likurang bahagi ni Pepito at isa sa mga suspek ay agad na pinagbabaril ang biktima at bago tumakas ang mga salarin ay tinangay ng mga ito ang bag ng biktima na naglalaman ng mga mahahalagang na gamit.

Ilang residente sa nasabing lugar ay agarang isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan na idineklarang dead-on- arrival ni Dr.. Fontanilla, attending physician, dakong alas-7:32 ng gabi nang araw ring iyon.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng dalawang suspek at para papanagutin sa kani-lang ginawang krimen.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.