Titser, Ninakawan na, Pinatay pa

ISANG MALUPIT na kamatayan ang sinapit ng isang 64-anyos na titser matapos na pagtulungang saksakin ay pagnakawan pa ng Akyat-Bahay Gang sa Brgy. San Agustin, Nova¬liches, Quezon City kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Daniel Pagatpatan, guro sa San Agustin Elementary School at nakatira sa Camia Street, MCB-1 sa naturang ba¬rangay.

Lumalabas sa report ni SPO1 Joselito Gagasa, natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng kanyang anak na si Nick Lorenzo Pagatpatan.

Bago pa man nangyari ang insidente, naiwang mag-isa sa bahay ang biktima noong Hunyo 28 matapos dumalo ang kanyang mag-ina sa death anniversary ng kanilang kaanak sa Tagaytay City, Cavite.

Samantala, pagbalik ng mag-ina ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanilang tirahan kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima at nawawala ang laptop, IPhone, mga alahas, at pitaka ng biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.