Titser, NGO Staff, Dinukot sa Basilan

ISANG TITSER at isang community organizer ng isang non-governmental organization (NGO) ang dinukot ng ang armadong suspek sa kanilang bahay sa Barangay Townsite, Maluso, Basilan kamakailan.

Base sa ulat ng mga awtoridad, nakilala ang mga biktima na sina Cherben Masong, isang preschool teacher ng Claret Samal Foundation sa lugar at ang nagsisilbing community organizer na si Frederick Banut.

Ayon sa pagsisiyasat, nagpapahinga na ang dalawang biktima sa loob ng kanilang staff house nang pasukin ng mga salarin hanggang sa puwersahang tinangay ang mga ito at isinasakay sa kanilang get away vehicle saka tumakas sa hindi pa malamanag direksyon.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang operasyon ng magkasanib na puwersa ng PNP at militar ng lalawigan laban sa armadong grupo.

Samantala, hindi pa rin masabi ng mga kinauukulan kung isa na namang panibagong insidente ng kidnapping ang pagdukot sa dalawang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.