Titser, Nanapak ng Magkasintahang Menor, Kalaboso

INARESTO NG mga kinauukulan sa Quezon province ang isang 24-anyos na titser matapos manapak ng magkasintahang menor de edad.

Kinilala ang salarin na si Herbert Ratio, ng Barangay 9, Lucban.

Sinabi ni PO2 Mona Sandoval ng PNP Lucban na sakay ng motorsiklo ang hindi na pina-ngalanang mga menor de edad nang huminto sa daan sa harap ng bahay ng suspek.

Sa labis umanong kalasingan ni Ratio, nilapitan nito ang dalawa at unang sinampal ang babae.

Agad kinumpronta ng nobyo ng babae ang guro subalit sinapak din siya nito dahilan upang gumanti ang binatilyo.

Dahil dito, nagreklamo na ang dalawa sa mga awtoridad na agad rinespondehan ng mga pulis.

Lumalabas sa pagsisiyasat na wala namang pag-aaway sa bawat panig subalit nadala lang ng kalasingan si Ratio.

Samantala, inihayag naman ni Sandoval na hindi na itinuloy ng mga biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa salarin at pinalabas na ng kulu-ngan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.