Titser, Nanaksak ng Estudyante

NAHAHARAP SA reklamo at posibleng makasuhan ang isang guro ng Pangasinan National High School sa bayan ng Lingayen sa Pangasinan dahil sa tangkang pananaksak sa isang estudyante habang nasa loob ng paaralan kamakailan.

Batay sa pahayag ng 3rd year high school na estudyante, nakaupo siya habang nasa loob ng paa-ralan ay bigla na lamang siyang nilapitan ng guro at tinangka siyang saksakin gamit ang kutsilyo.

Ayon kay SPO1 Mary Grace Castillo, head ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Lingayen PNP, napag-alaman daw ng guro ang estudyante na ito ang may kagagawan kung bakit nabuhusan ng pintura ang kanyang motorsiklo.

Nabigla na lamang ito nang undayan siya ng saksak ng guro na bagama’t nasalag ang panaksak ay nasugatan pa rin siya sa kamay matapos mahawakan ang naturang matalim na bagay.

Nagtamo ito ng apat na malalim na hiwa sa kamay.

Napag-alaman naman na ginamot din ng guro ang sugat na tinamo ng estudyante matapos malamang wala itong kasalanan.

Sinabihan pa ng guro ang biktima na huwag nitong sabihin sa iba na ito ang nanakit sa kanya at sa halip ipaalam na aksidente lang nitong nasugatan ang sarili.

Samantala, hinihintay pa kung pormal na magsasampa ng kaso ang kampo ng nasabing estudyante matapos na maiparating na sa prinsipal ng eskuwelahan ang naganap na insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.