Titser, Nagbigti sa Loob ng Bahay

INAALAM NA ng pulisya ang tunay na dahilan nang pagpapakamatay ng isang guro, matapos itong matagpuan sa kanilang bahay na nakabigti at wala nang buhay kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang makita ang biktimang si Rosita Cortez, 29, ng Binata St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng asawa ng biktima, umalis siya kamakalawa ng umaga sa kanilang bahay na may tampuhan sila ng biktima at habang nasa opisina siya sa Ortigas, Pasig ay nakatanggap ng text mula sa biktima at sinasabing magpapakamatay, dakong alas-10 ng umaga.

Agad na umuwi ng bahay ang mister at laking gulat nang makitang patay na ang asawa habang na-

kabigti ng pantyhose sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi pa ng mister na ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ng biktima subalit naaagapan kung saan inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Rosita.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.