Titser, Kalaboso sa Panggugulpi ng Estudyante

NAHAHARAP SA kasong child abuse ang isang titser dahil sa panggugulpi sa kanyang estudyante sa Davao City.

Kinilala ang nasabing guro na si Conchita Bagwasan, 47, may asawa, nakatira sa Townsite, Manki, Kapalong, Davao del Norte.

Halos 117 na mga magulang ang nag-petisyon laban kay Bagwasan na patalsikin sa paaralan dahil sa takot na muli nitong gagawin ang panggugulpi sa iba pang mga mag-aaral nito.

Base sa ulat, binugbog ni Bagwasan ang 12-anyos na lalaking estudyante nito matapos sirain umano ang mga dekorasyon sa Christmas tree ng kanilang classroom noong Enero 12, 2012.

Sinuntok umano ni Bagwasan ang likod ng biktima at pinukpok din ng matigas na bagay ang mga kamay nito.

Tumulong na rin si Brgy. Capt. Arthur Lontoc ng Brgy. Pag-asa sa magulang ng biktima at plano umano nilang sampahan ng kasong administratibo si Bagwasan sa Office of the Ombudsman at DepEd, maliban pa sa kasong paglabag sa Republic Act 6292 o Violence Againts Women and Children.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.