Titser, Kalaboso sa Pagpapasubo ng Bato sa Estudyante

NAHAHARAP SA kasong Child Abuse ang isang titser mula sa Norala Central Elementary School sa bayan ng Norala, South Cotabato, dahil sa pagpapasubo nito ng bato sa kanyang estudyante.

Sinabi ni Letecia Alejaga na ang nag-aalaga sa estudyante na si John Paul Bombeyo na nagsampa na ito ng kasong child abuse laban sa gurong si Maylene Lapido na siya ring adviser ng biktima.

Ayon sa salaysay ni Alejaga, Hulyo 23 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng classroom habang nagkaklase ang mga ito.

Isinumbong umano ng bata na pinakuha ito ng bato ng kanyang guro at pinasubo sa kanya bilang parusa sa kanyang pakikipagdaldalan sa kanyang kaklase.

Idinulog na rin umano nito sa Department of Education (DepEd) South Cotabato Division Office ang nasabing reklamo ngunit inihayag na may sinusunod na protocol para sa naturang usapin.

Samantala, bagama’t humingi na ng paumanhin ang akusado sa kanyang ginawa, ngunit nakapag-desisyon na ang kampo ng estudyante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.