Titser, itinumba sa school gate

PATAY ANG isang titser matapos barilin ng isang lalaki na nakamotorsiklo sa Nuestra Señora Dela Paz sa General Santos City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Hanelyn Biñil, 31, taga Brgy. Olympog, GenSan, Grade 1 teacher ng I Solis Elementary School sa Kidam, Brgy. Olympog.

Ayon sa school supervisor na si Lilibeth Lamberte, nag-attend ang mga guro ng three-day seminar sa Dadiangas South Elementary School.

Nang magsiuwian na sila ay humiwalay sa kanila ang biktima at doon dumaan sa isa pang gate ng eskuwelahan na nasa Nuestra Señora Dela Paz dahil nandoon nakaparada ang kanyang motorsiklo.

Nagulat na lang sila nang ibinalita na binaril ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng baril na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ang labi ni Biñil ay nakitang nakahandusay malapit sa kanyang motorsiklo na isang metro ang layo mula sa gate.

Kinordon ang pinangyarihan ng krimen kung saan narekober ng SOCO ang limang empty shells ng bala ng baril.

Samantala, ayon sa isang nakasaksi, tinabihan ng salarin ang biktima at saka binaril nang sumakay ng kanyang motorsiklo.

(PARAZZI REPORTOIRAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.