Titser, Huli sa Panggagahasa sa Grade 4 Pupil

ARESTADO NG National Bureau of Investigation (NBI) ang isang titser dahil sa panggagahasa sa kanyang Grade 4 pupil. Ang suspek ay nakilalang si Junjun Sibales, 29, ng Benedicto, Jaro, Iloilo.

Inaresto ang nasabing suspek ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mismong paaralan na pinagtuturuan nito na Kids Alternative Home and Development Academy Inc., sa Purok 2, Pavia, Iloilo matapos mahuli sa akto sa kanyang paghahalay sa 10-anyos na estudyante.

Ayon kay NBI Special Agent John Catipunan, sinabi nito na noong Lunes nang dumulog sa kanilang tanggapan ang pamilya ng biktima matapos matuklasan ang relasyon nito sa suspek.

Kanilang isinailalim sa medical examination ang biktima at natuklasan na may nangyari nang sekswal sa pagitan nito at ng suspek.

Doon pinagplanuhan ang gagawing entrapment operation at dakong alas-6 ng gabi kahapon, inaresto ang suspek sa loob ng silid sa ikatlong palapag ng paaralan kung saan kasama nito sa loob ang biktima.

Sa paglarawan ni Catipunan, maganda pa ang anyo ng suspek na nagtuturo ng subject na physical education (PE).

Maaaring naengganyo nito ang biktima ngunit nang maintindihan na nito ang ginagawang pang-aabuso sa kanya, naki-pagtulungan na rin sa mga kinauukulan para sa entrapment operation.

Ang biktima ay binabantayan lamang ng guardian nito at ng kanyang mga kaanak kung saan parehong nagtatrabaho sa Qatar ang kanyang mga magulang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.