Titser, binoga ng sundalong manliligaw

ISANG MADUGONG trahedya ang bumungad sa pagsisimula ng Brigada Eskuwela Week matapos barilin ng desperadong manliligaw na sundalo ang titser na kanyang nililigawan bago ito nag-suicide sa bayan ng Miag-ao, Iloilo kamakailan.

Kinilala ni Army’s 3rd Infantry Division spokesman Major Enrico Gil Ileto ang nagpatiwakal na suspek na si Private John Rey Chiva, 25, ng Army’s 82nd Infantry Battalion.

Ang nasabing salarin ay nagbaril sa ulo habang nasa kritikal namang kundisyon sa St. Paul Hospital ang biktimang si Sheryll Molase, 22, nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa mata na naglagos sa tainga.

Nilinaw naman ni Ileto na wala silang contingent sa isinasagawang Brigada Eskuwela sa bayan ng Miag-ao West Central School sa Barangay Tabunacan.

Hindi rin nagpaalam si Chiva sa kanyang commanding officer na magtutungo sa eskuwelahan at isagawa ang krimen, kung saan naituturing na isa itong Absent Without Official Leave (AWOL).

Base sa pagsisiyasat, nagtungong nag-iisa sa naturang eskuwelahan ang suspek habang abala sa isinasagawang Brigada Eskuwela Week ang mga guro.

Nagulantang ang mga kasamahang guro ni Molase nang bigla na lamang itong barilin ni Chiva saka nagbaril sa sarili.

Nabatid na si Chiva ay matagal nang nanliligaw sa biktima, subalit hindi nito sinasagot kaya nagawa ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.