Tito ni PNoy, kinasuhan ni Trillanes

LUMALAKI ANG hidwaan sa pagitan nina Sen. Antonio Trillanes IV at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Ninoy Aquino, na ikinadadamay rin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia.

Ito’y matapos na maghain ng kasong malversation si Trillanes noong Miyerkules sa Office of the Ombudsman laban sa mga pinuno ng PSC at POC kasama ang ilang personalidad sa pagbibigay permiso at paglalabas ng pondo sa tinagurian ng senador na isang pekeng National Sports Association.

Kinasuhan ng mambabatas si Cojuangco, at Chairman Garcia dahil umano sa pagbibigay nila ng pondo sa hindi lehitimong asosasyon.

Sinabi ni Trillanes ang pagsasampa ng kaso sa hearing mismo ng Senate sub-finance committee habang dinidinig ang kahilingan ng PSC sa ipinasa nilang budget proposal para sa taong 2014.

Gayunman, inihayag ni Cojuangco na nagkakamali si Trillanes sa paratang nito sa PSC at maging sa POC.

“Gusto niya kasing maging presidente ng dalawang asosasyon na hindi naman parehas na lehitimo,” ani Cojuangco.

“I’d like to inform the committee, that I filed a malversation case in the Ombudsman against chairman Richie Garcia, Mr. Peping Cojuangco and some other people in relation to the release of PSC funds to bogus NSAs. So that’s my main issue against the PSC. You have become a rubberstamp of Mr. Peping Cojuangco and we have to put a stop to that,” ayon naman kay Trillanes.

Samantala, nauna nang ikinadismaya ng senador ang pagbibigay ng pondo ng PSC sa grupo ng table tennis na pinamumunuan ni Ting Ledesma na hindi kinikilalang miyembro ng asosasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.