Tito Alfie, not invited to Juday-Ryan wedding?

TINIYAK NA NINA Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na ngayong taon na ang kanilang kasal, pero wala pang final date dahil ang inuuna raw muna nila ay ang bahay na balak nilang bilhin.
Pina-feng shui na raw nila ang bahay pero hindi pa raw nila masasabing kanila na dahil marami pa silang inaayos na loan sa bangko at pati ang interiors ng naturang bahay.

Kapag okay na okay na raw ang bahay, puwede na nilang i-announce kung kailan na ang kanilang kasal. Pero tinitiyak ni Juday na very private ang naturang kasalan pero isi-share naman daw niya sa media ang ilang footages ng kanilang kasal dahil kailangan makita naman daw ito ng lahat ng mga fans niya.

Kaya lang, wala pa nga ang announcement ng kasal, nag-i-emote na ang ibang taong malapit kay Juday. Pati nga raw ang Mommy Carol ni Juday, medyo nagtatampo na dahil wala pang sinasabi ang anak nito. Eh, sabi ni Juday, wala pa raw talagang final na plano kaya wala pa silang masasabi sa ngayon.

Ang isa pang medyo nagtatampo, si Alfie Lorenzo na manager ni Juday dahil feeling nito naetsa-puwera siya. Kaya nahihirapan namang sumagot si Juday, dahil wala pa raw talaga silang masasabi. Imposibleng ietsa-puwera raw si Alfie dahil malaking bahagi naman daw ito sa buhay ni Juday.

Kaya lang nag-emote na nga si Alfie na hindi raw siya dadalo sa kasal na ‘yun. Baka nasa bakasyon daw siya sa araw na ‘yun, kaya ewan ko lang, ha? Baka simula na naman ito ng tampuhan ng dalawa.

Ang paliwanag naman ni Alfie, hindi naman daw sa kontra siya sa kasal ng dalawa. Parang ina at ama raw siya ni Juday na siyempre mabigat pa rin sa kanya na magkakaroon na ng sariling buhay ang itinuturing niyang anak-anakan. Pero para wala na sanang kanegahan, siguro huwag nang mag-emote si Alfie. Tanggapin na lang niya at suportahan itong plano ni Juday. Nakikita naman niyang masaya si Juday sa piling ni Ryan kaya hayaan na lang.

HUMARAP ANG DENR Sec. Lito Atienza sa ilang miyembro ng movie press at naihinga nito ang ilang tanong niya kung bakit tinanggal daw ang mga billboard ng anak niyang si Kim Atienza sa Maynila.

Parang may malisya nga naman dahil wala namang kinalaman sa pulitika ang mga billboard ni Kim na nakapaskil sa ilang bahagi ng Maynila.

Sabi nga ni Sec. Atienza, hindi naman pulitiko si Kim at happy na ito sa hosting job niya sa Umagang Kay Ganda at Matanglawin.

Noon pa raw iyan kinukumbinseng bumalik sa pulitika, pero parang hindi pa siya ready uli, dahil mas gusto na niya ngayon ang ginagawa niya.

May malisya kasi ang dating, na lahat ng may kinalaman kay Sec. Atienza, tsinutusugi sa Maynila. Pati nga ang regular show ni Sec. Atienza sa GMA 7 na Maynila, hindi na lang sila nagti-taping sa Maynila para wala nang gulo.

Umiiwas na lang sila na baka pahirapan sila sa pagkuha ng permit, mabuting huwag na lang doon mag-taping.

Sa halip na ang Maynila na ang napu-promote sa programang ito, mga magagandang tanawin na ang pinu-promote ni Sec. Atienza na nagustuhan naman ng mga manonood.
Kaya nga hanggang ngayon, mataas pa rin ang rating nitong Maynila at siguro sa 2010 elections, nandiyan pa rin iyang Maynila at baka bumalik na si Sec. Atienza sa Maynila, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.