Tirador ng kable, utas sa kuryente

NANGISAY HANGGANG tuluyang bumulagta ang isang 30-anyos na lalaki matapos makuryente dahil sa pagtatangka nitong magnakaw ng kable ng kuryente sa Barangay Cabaroan, Bacnotan, La Union.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang nasawi na si Lito Rubang, residente ng Brgy. Bumbuneg, San Gabriel.

Ayon kay La Union kay Chief Insp. Marlon Paiste, OIC chief of police ng Bacnotan Municipal Police Station, kasama ni Rubang ang kanyang pamangkin na si Luis La Onor na nagtungo sa Barangay Cabaroan sa bahay ng isa pa niyang pamangkin na si Divina Roda upang umutang ng pera na pambayad sana sa hulugang motorsiklo.

Iniwan umano ng biktima ang kasama nitong pamangkin sa kalsada upang bantayan ang kanilang sasakyan at saka nagtungo sa sinasabing bahay ngunit hindi na ito bumalik.

Nabalitaan na lang umano ni La Onor mula sa kanilang kaanak na nakahandusay na at wala nang buhay ang kanyang tiyuhin sa kanal na malapit sa bahay ng isang Junior Licos.

Ayon kay Paiste, base sa nakuha nilang cutter ay lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na tinangka umanong putulin at nakawin ni Rubang ang kable sa bahay ni Licos hanggang sa ito ay nakuryente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.