Tips kung paano magkakasyota si Noynoy

KUNG may tinatawag na lameduck president, mayroon ding tinatawag na lameduck lover.

Matapos ang break-up kay Shalani, nabalita na naman ang panliligaw ni P-Noy sa stylist na si Liz Uy, na sa bandang huli ay busted ang kinauwian.

Ngayon naman, ang apple of the eye ay isang stockbroker na si Lopez, na siyang target ng puso ni Noynoy.

Pangulo, bilang boss mo, hindi ko na masisikmura na muli ka pang mabasted.

Baka kailangan mo ng Presidential Adviser on Love and Personal Affairs, bakante ako ngayon.

Una, hindi minamadali ang pag-ibig. Ano nga ba ang sabi sa isang kanta? Love takes time.

Pangalawa, hindi sapat ang anumang kapangyarihan para masungkit ang puso ng sinumang chikas.

Priceless ang puso ng mga babaeng Pinay, kaya kahit sino pang super maimpluwensiya ay hindi nakakadagit ng partner sa pamamagitan ng kanilang mga kayamanan.

Maraming pagkakataon, mas magaling pang manligaw ang mga ordinaryong construction worker kaysa sa construction manager.

Gold digger na bebot lang ang magkakagusto na sila’y nabubulgar sa publiko sa maagang baitang ng kanilang pagliligawan.

Sa normal na buhay, ang trip ng mga babae ay pocket teasing lang. Iyon bang tipong, isa, dalawa hanggang small group of barkadas lang ang nakakaramdam ng kanilang pagkakagustuhan.

Malakas ang dating ng tuksuhan ng mga kaibigan sa mga suluk-sulok lang.

Nauudlot ang pag-iibigan, lalo na kapag biglang nabulgar sa buong campus ang planong panliligaw ni pogi. Lalo na kung hindi pa nakakakuha ng special attention mula sa target na dalaga.

Iyong pagkaka-publish ng date ng Pangulo ay puwedeng maging minus points ‘yan sa chicks na nagmula sa isang maayos na pamilya or lumaki sa mapitagan o may hiyang atmospera.

Pero mahirap para kay Noynoy na makapagtago sa media kahit saan siya magpunta. Dito importante ang liaison officer o tulay patungo sa nililiyag.

Ang simpleng pagpapadala ng notes kahit sa post it lang or mga ordinaryong bulaklak or kahit na chocnut ay the best tactics ng isang maimpluwensiya. Puwede n’yang utusan si Asec Rey Marfil na palagay ko’y hindi pa nababasted para magdala ng mga maliit na bagay sa nililigawan.

Importante rin na isa lang ang miyembro ng Communications Group sa panliligaw para maging simple lang ang dating. Kapag paiba-iba ang magdadala, hindi makaka-establish ng intimacy.

Kung si Marfil ang unang magdadala ng small things, dapat siya na rin ang advance party sa mga future dates.

Mahalaga rin na si Marfil ay marunong mangiliti ng mga mensahe mula sa kanyang boss para may kilig factor na patago.

Kung talagang gusto ni Noynoy na walang media attention ang kanyang date, kayang-kaya naman. Maraming mga five-star hotel or mga corporate offices ang may penthouse na overlooking ang mga lighted structures sa gabi. Doon niya dadalhin ang huling meeting niya sa lower floor.

Kapag tapos na official functions, may bogus departure si Noynoy na along the way ay lilipat ng sasakyan pabalik sa venue ng date pero ang daan ay sa basement parking all the way to penthouse.

Puwede ring sa basement parking lang ang lipat ni Noynoy ng elevator para hindi na lumabas sa kalsada. Normally, walang access ang ordinaryong empleyado or guest sa elevator going to the uppermost floor.

Konting fancy dinner lang sa umpisa, then simpleng pika-pika na sa mga susunod na dates.

Puwedeng sa next date kapag na-establish na ang mutual attention, puwedeng isorpresa ni Noynoy ang isang singer na haharana sa chicks pero dapat hindi sikat ang kakanta ng song na pareho nilang gusto para hindi disturbing.

Noong araw, uso pa ang singing gram, sinubukan ko ‘yan, nagpadala ako ng tokneneng na singer sa bahay ng babae na ang tanging bitbit ay karaokeng sinlaki ng transistor.

Pupugak-pugak man ang mikropono, epektib na pampasaya sa chicks habang kinakanta ang Kenny Rogers’ Through The Years.

Minsan, may mga maliliit na bagay na hindi kayang bilhin gamit ang national budget. Pero sa mata ng isang nililigawan, ibang klase ang arrive.

Kahit gatas ng kalabaw o saging na maruya lang ang maipadala, ayos na iyon.

Maraming tisoy, artistahin at mga mayayaman na ang napataob ng ganyang istilo.

Akala nila, sapat na iyon para magkaroon ng siyota.

Kailangang gamitin ni Noynoy lahat ng tips na ito kung gusto niyang sa lalong madaling panahon ay magkaroon na siya ng first lady.

Teka nga pala, condolence sa best friend kong nagturo sa akin ng lahat ng ito.

Kakalungkot ang nangyari sa kanya, namatay siyang matandang binata!

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.