Tinutukan ng Basag na Bote Dalagita, Winarak ng Manyak na Amain

“’WAG PO T’yong!” Ito ang pagmamakaawa ng isang 12-anyos na batang babae na umano’y ginahasa ng kanyang stepdad habang may nakatutok ang basag na bote sa kanyang leeg nito lamang Sabado sa Bgy. Poblacion, Baliuag, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni Supt. Rizalino Andaya, Baliwag police chief sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang suspek na si Michael Dionisio, 28 anyos, security guard at residente ng 1097 Brgy. Poblacion.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang panghahalay sa biktima bandang alas-5 ng umaga habang natutulog ito sa loob ng sariling kuwarto.

Pinasok umano ng amain ang biktima bitbit ang basag na bote ng Ginebra San Miguel habang tulog ang ina nito.

Habang nakatutok u-mano ang basag na bote sa leeg ng paslit, isinagawa ng suspek ang panghahalay.

Nagising na lang ang ina ng biktima sa kabilang kuwarto nang marinig nito ang palahaw na iyak nito.

Dahil sa pagkagulat at takot agad nitong pinuntahan ang anak at nakita nito ang patalilis na kinakasama.

Agad namang sinabi ng anak sa ina kung ano ang kababuyang ginawa ng kanyang stepdad.

Bunsod nito’y agad ding nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mag-ina para isumbong ang ginawang kahalayan ng kinakasama.

Sa isinagawang follow-up operation na pinamunuan ni Sr. Insp. Gregorio Santos, nadakip ang suspek at narekober ang basag na bote na ginamit nito na panutok sa biktima.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Baliuag Municipal Jail at mahaharap sa kasong Rape in Relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.