Tindero, Tinodas sa Hampas

PATAY ANG isang 26-anyos na tindero matapos umanong hampasin sa ulo habang ipinagdiriwang ang Pista ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila.

Agad na binawian ng buhay sa pagamutan si Joel Gutierrez dahil sa walang tigil na pagdurugo ng ulo nito.

Ayon sa ina nitong si Melinda, nakipag-inuman ang anak sa tapat ng kanilang bahay sa Juan Luna Street kanto ng Coral Street.

Ilang beses aniya niya itong sinundo para umuwi pero tumanggi ito dahil may mga kainuman pa siyang hindi naman kilala.

Laking gulat na lang si Aling Melinda nang matagpuan ang anak na nakabulagta sa kanilang gate bandang alas-6:00 ng umaga.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat  sa kung sino ang suspek at ano ang motibo sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.