Tindero ng yosi, natagpuang patay sa tabi ng pizza parlor

HINIHINALANG INATAKE NG kanyang karamdaman na naging dahilan ng kanyang kamatayan ang isang cigarette vendor makaraang matagpuan itong wala nang buhay sa tabi ng isang tindahan ng Pizza kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Francisco Deleña y Magdalena, 46, binata, cigarette vendor, residente ng Gen. Simon St., cor. Edsa, Brgy. 81, Caloocan City.

Ayon sa saksing si Brgy. Chairman Bayani Colonel, ng Barangay 81, kasalukuyang siyang nagroronda nang makita ang biktima na nakahiga sa semento ka-tabi ng Yellow Cab Pizza na matatagpuan sa Gen. Simon St., ng nasabing lungsod.

Sa pag-aakalang natutulog lamang ang biktima ay kanya itong ginising, su-balit hindi man lamang ito gumagalaw, dahilan upang humingi ito ng tulong sa pulisya at nalamang patay na si Deleña.

Nabatid, na may matinding karamdaman ang biktima sa katawan na matagal na nitong iniinda. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.