Tindero ng yosi, binoga

CEBU CITY – PATAY ang isang 27-anyos na tindero ng yosi matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Barangay Kamagayan, lalawigan ng Cebu.

Kinilala naman ng Cebu City Police ang biktima na si Benjie Bauyaban, na binaril at napatay ng mga nakatakas na suspek kamakailan.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakatayo lamang sa nasabing lugar ang biktima at nagbebenta ng yosi nang lapitan ito ng mga akusado saka walang awang pinagbabaril na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Matapos ang pamamaril mabilis din na tumakas sa hindi pa malamang direksyon ang mga suspek. Napag-alaman na away sa bentahan ng iligal na droga ang anggulong tinitingnan ng pulisya sa naganap na insidente.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing pag-iimbestiga ang mga kinauukulan sa naganap na pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.