Tindero ng Scramble, Kritikal sa Saksak ng Pinsan

ISANG VENDOR ang kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan makaraang saksakin ng kanyang pinsan matapos ang isang mainitang pagtatalo nang hindi umano maibigay ng biktima ang kinita ng suspek sa pagtitinda ng ice scramble kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang biktima na nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng isang tama ng saksak sa katawan ay si Jesse Rosco, 25, binata, vendor, at residente ng Brgy. 175, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ang suspek na si Rolly Norcio, 33, vendor, at kalugar ng biktima.

Base sa inisyal na ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Bago umano maganap ang pananaksak, ang biktima at ang pinsan nito ay nakitang mainitang nagtatalo.

Hinahanap umano ang suspek ang kanyang kinita sa pagtitinda ng scramble ice subalit walang maipakita ang biktima.

Dito ay agad na inundayan ng saksak ng suspek ang kanyang pinsan at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Dali-dali namang nagsadya ang live-in partner ng una sa kanilang barangay hall at ini-report ang naganap na pana-naksak na nagresulta naman sa madaliang pagkakaaresto sa suspek. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.