Tindero ng Saging, Todas sa Saksak

 

TODAS ANG isang tindero ng saging makaraan pagsasaksakin ng kapwa tindero habang ang una ay nakatayo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jomard Gardi, 21 ng Phase 3, Lapu-Lapu St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ariel Mensede. 23 ng Brgy. 8, Caloocan City.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC habang inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng insidente.

 (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.