Tindero ng Mami, Tiklo sa Sumpak

HINDI NA nagawang makapanlaban ng isang senglot na lalaki na armado ng home-made shot gun o sumpak matapos arestuhin ng mga awtoridad kaninang madaling-araw sa Brgy. Lungos makaraang ireklamo ng isang GRO ng isang restobar sa Malolos City, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Rafael RoblesY Cruz, 28, binata, vendor ng mami noodles, at residente ng Brgy. Sto. Rosario, Paombong, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Martin, dakong alas-2 ng madaling-araw nang magpaputok ito ng sum-pak sa Kizz restobar, dahil sa umano’y kinukursunada ito ng isang lalaking kostumer ng nabanggit na bar, kung saan hinintay ng suspek ang lalaki.

Nabatid na nagkaroon ng matinding takot ang mga GRO na nagtatrabaho roon. Ayon sa biktimang si Joyce Ann Fernandez, 24, nagwala at nanutok ng improvised shot gun ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang sumpak at dalawang live ammo, ng 12 gauge shot gun. Samantala, detinido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1866.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.