Tindero ng isda tinambangan, dedo

BATANGAS – DEAD ON the spot ang isang negosyante na namamakyaw ng isda makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin kahapon ng umaga sa bayan ng Sto. Domingo sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng pung-

lo sa ulo at katawan na si Danilo Perez, 54 na taong gulang, residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Chief Inspector Manuel Castillo, chief of police ng Sto. Tomas, lulan ng tricycle si Perez nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang lalaki, bago mag-alas-9:00 ng umaga.

Katatapos lang i-deliver ni Perez ang mga inangkat na isda at papauwi na ito nang tambangan siya.

Patuloy naman aniya ang kanilang pagtugis sa salarin na tumakas lulan ng pampasaherong jeep patungong Tanauan o Calamba.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Tindero ng isda tinambangan, dedo

  1. grabe na talaga panahon ngayon!..parang laruan na lang talaga ang baril kung gamitin ng ibang tao!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.