Tindero ng Fishball, Dedo sa Tusok

PATAY ANG isang fishball vendor matapos itong saksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay natutulog sa folding bed sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan  si Gil Pumarejos, 47 ng Magtangol St., ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1:30 ng umaga, nakita ng saksing si Resty Lerio, 32 ang biktima na nakaupo sa folding bed sa tapat ng kanilang bahay at humihingi ng tulong.

Nang lapitan ay napansin na duguan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng suspek at motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.