Tindero, Kritikal sa May Sayad

KRITIKAL ANG isang vendor matapos pagsasaksakin ng pinsan na galing mental hospital sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Salvador Erdaje, 45, ng Phase 12 Canumay ng lungsod.

Nakatakda namang ibalik sa National Institute for Mental Health si Michael Erdaje, 18, ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-3 ng umaga, natutulog sa unang palapag ng kani-lang bahay nang gisingin ng mga suntok ng suspek makaraang sumpungin ang huli.

Inawat ng ama ng biktima ang suspek na biglang nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang pinsan na naging dahilan upang dalhin sa VGH.

Nagawang mapigilan at madala sa presinto ang suspek na kalalabas lang sa Mental Hospital noong nakaraang Setyembre kung saan muling ibabalik upang magamot.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.