Tindero, inatado ng kasamahan

TULUYAN NANG HINDI nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang isang market vendor matapos itong tadtarin ng saksak ng kanyang kasamahan habang ang una ay natutulog sa loob ng bahay nito sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center (CCMC) sanhi ng tinamong mga saksak sa kaliwang bahagi ng mukha ay nakilalang si Jovencio Perlas, 44, ng # 188 M. Hizon St. , Daang Bakal, Brgy. 63 ng nasabing lungsod.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Nicomedes San Andres, 46, kapwa vendor ng biktima at naninirahan naman sa #143 M. Hizon St., Brgy. 63.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Jerry Garces, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang natutulog ang biktima sa loob ng bahay nito nang bigla na lamang pasukin ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng magkakasunod na saksak sa mukha.

Matapos ito, agad na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon ngunit makalipas ang ilang oras ay sumuko rin ito sa mga awtoridad habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.