Tindera ng Ukay-Ukay, Kinaplog Nang Patayo

SWAK SA kulungan ang isang tinderong Muslim makaraang dalawang ulit na patayong kaplogin ang kanyang kasamahang babaeng tindera sa loob ng banyo ng ukay-ukay sa Caloocan City.

Ang suspek na naghihimas ngayon ng rehas na bakal ng kulungan ay na-kilalang si Mubarak Karim, 20, alyas “Nash”, tindero ng ukay-ukay na matatagpuan sa harap ng Bagong Silang Development Cooperative, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, galit na galit na nagsumbong sa pulisya ang biktima ng panggagahasa na nakilalang si Sherlyn Edisca, 18, dalaga, at kasamahan sa tindahan ng ukay-ukay ng suspek.

Base sa reklamo ng biktima, dakong alas-4 ng hapon noong nakalipas na Hunyo 22, 2012 nang una siyang ginahasa nang patayo ng suspek sa loob ng banyo ng tindahan ng ukay-ukay.

Kinabukasan, Hunyo 23 dakong alas-8 ng gabi ay muling naulit ang makamundong pagnanasa ng suspek sa biktima sa loob din ng nasabing banyo.

Sinabi pa ng tindera, noong una siyang pinagsamantalahan ay hindi siya agad na makapagsumbong dahil pinagbabataan siya ng suspek na papatayin pati na ang kanyang mga kaanak kapag nagsumbong siya kanino man.

Hindi na pinalagpas ng tindera ang ikalawang pagsasamnatala sa kanya ng suspek kaya kaagad itong nagsadya kasama ng kanyang ilang kaanak sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang nasabing Muslim.

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang suspek sa kanyang tinutuluyang tindahan ng ukay-ukay na nagresulta sa maagang pagkakaaresto sa suspek.

Si Karim ay nakatakdang ipagharap ng kasong Rape sa Caloocan City Prosecutor’s Office kung saan ay pinaniniwalaang hindi ito papayagang magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan. (ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.