Tindera ng isda binaril sa mukha, patay

PATAY ANG ISANG tindera ng isda matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay kausap ang kaibigan sa katabing tindahan ng isda sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa mukha si Marilou Degubaton, 52 ng Phase 8A, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-4:30 ng umaga, kausap ng biktima ang kaibigan na si Leonor, 43 sa tapat ng tindahan ng isda ng huli sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek at putukan si Degubaton.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyari na naglakad lang papalayo ang suspek at iniwang nakatimbuwang ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente at matukoy ang salarin.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.