Tindahan, Inararo ng Trak; 3 Patay, 2 Kritikal sa Agusan

PATAY ANG TATLO katao habang nasa malubhang kundisyon ang dalawang iba nang araruhin ng isang truck ang isang tindahan sa Butuan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maximo Lariba, Samuel Robelios at Antonio Buyan habang ginagamot ang mag-inang sina Teresita Lariba at James.

Ayon kay SPO4 Ramil Coniado ng Butuan City Police Station 4, kumakain ang mga biktima sa loob ng tindahan sa Purok 4, Barangay Sto. Niño nang banggain sila ng Nissan pick-up na minamaneho ng isang Manuel Cayetano.

Sa ulat, agad namatay sina Maximo at Samuel bunsod ng tindi ng tama sa mga ulo nito habang nasawi habang nilalapatan si Buyan.

Galing sa Metro Manila at patungong Cotabato City si Cayetano subalit nawalan ito ng kontrol dahilan para araruhin ang tindahan kung saan naroon ang mga biktima.

Isinisi naman ng truck driver sa pag-overtake ng isang Hi-Lux sa kanya kung bakit sila naaksidente. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.