Tinatapos na ang kanyang doctoral
Boy Abunda, hindi humihinto sa pag-aaral

KAHIT SABIHIN that he tops sa field niya as a Celebrity TV Host, patuloy ang pag-aaral ni Boy Abunda.

Sa kalagitnaan ng kasikatan niya as a talent manager-TV Host and product endorser ay tinapos niya ang naudlot na undergraduate course niya sa Ateneo de Manila University.

Nang makapagtapos, hindi nahinto lang doon. Itinuloy niya ang kanyang Masteral degree naman sa Philillipine Women’s University (PWU) na last semester ay nakapagturo siya sa mga communication arts students ng pamantasan.

Ngayon, Kuya Boy is in the last stretch of his Doctorate degree in Social Development na kung walang aberya ay naka-schedule ang dissertion niya this coming October.

“Learning is a continuing process. Hindi ka dapat humihinto. I always review my shows after its airing and want to learn my mistakes,” sabi nya.

Sa klase ng kurso na kinukuha niya, tipong its leading to public service. Hindi kaya sa 2016 ay malalaman na lang natin that he is running for a public seat sa kanilang bayan sa Borongan in Eastern Samar?

“I don’t know. Wala pang definite plans. I don’t want to close my door. Bahala na. Let’s see what happens next,” kuwento niya sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Tinatapos na ang kanyang doctoral
Boy Abunda, hindi humihinto sa pag-aaral

  1. Ay anu b yn day!..magturo kn lng sa mga bakla..paminta’t beki at mga gustong mgbebeki-bekihan!..

Leave a Reply

Your email address will not be published.