Tinatapos lang ang kontrata sa The Buzz Charlene Gonzales, susunod na kay Aga Muhlach sa TV5!

KINUMPIRMA SA AMIN ng isang kaibigan na totoong tatapusin na lang ni Charlene Gonzales ang kontrata sa programang The Buzz at lilipat na ito sa TV5 para sa isang talk show. Hindi tiyak ng ating source kung isasama bilang co-host sa programang Paparazzi or Juicy, pero ang tiyak ay may mga show nang nakalaan sa dating beauty queen.

Nang makasalubong namin si Aga Muhlach kamakailan, tinanong agad namin ang aktor. “No, ayokong magsa-lita. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyan,” iwas na sabi ng aktor habang makahulugang nakangiti sa amin.

Sina Charlene at Aga ay kapwa “deadma” pansamantala sa isyu, pero ang malinaw na usap-usapan ay ang napipintong paglipat ni Charlene sa TV5, kung saan matatandaang bago pa siya naging co-host nina Kuya Boy Abunda at KC Concepcion ay nagkaroon na ng mga show ang aktres sa Kapatid Network.Tsuk!

 

NAGPUPUYOS MAN ANG damdamin, nanatiling walang kibo muna raw si Jinkee Pacquiao sa usaping may anak ang Pambansang Kamao kay Kat Ordoñez, na bininyagan last September 17.

Noong una raw, hindi naniniwala si Jinkee pero nakumpirma umano ito ng maybahay ni Pacman nang hindi na mamatay-matay ang issue.

“Actually, hindi pa nila ni Manny napag-uusapan ang tungkol du’n kasi iniiwasan din siyempreng bigyan ng problema si Pacman, lalo pa’t malapit na ang laban nito, kasi baka maapektuhan, ‘di ba? Pero sa totoo lang gigil na gigil talaga si Jinkee sa isyu dahil alam na niyang totoo talaga ito,” sey ng aming source.

Kung paniniwalaan ang balita, bagama’t naniniwala si Jinkee sa issue ay ayaw pa rin nitong idaan sa DNA ang usapin.

“Kasi kung idi-DNA, aba baka lalo siyang maloka. Kaya ang feeling ko, hahayaan na lang niya na ang tsismis ay manatiling tsismis, kesa naman maikumpirmang may anak si Manny sa iba.” Pagtatapos ng aming kausap.

 

GRABE PALA ANG nangyaring laplapan sa pagitan nina Carla Abellana at Governor ER Ejercito para sa pelikulang Asiong Salonga.

“Bumigay nang todo si Carla at tiyak na pag-aawayan nila ito ni Geoff ‘pag nagkataon,” sabi ng isang mahaderang kaibigan na nagkuwento kung paanong nag-enjoy raw ang aktres sa maiinit na halik ng gobernador ng Laguna.

“Nakita mo ba kung paanong humalik si George Estrada (sumalangit nawa ang kaluluwa)? Naku, ganu’n o baka mas matindi pa nga du’n!” Sabi pa uli ng aming source.

Tinanong namin si Gob. ER nang makita namin ito. Ngumiti lang ang actor-politician. “Huwag na nating pag-usapan iyon, basta ang masasabi ko lang, maganda ang Asiong… at natutuwa ako dahil kasama na siya ngayon dito sa Metro Manila Film Festival.”

Kuwento ng aming source, halos magdugo raw ang mga nguso nina Carla at Gov. ER matapos na kunan ang nasabing lovemaking.

“Gob, kayo po ba ni Miss Nora Aunor, may torrid kissing scene?” Tanong namin na hinalakhakan lang ng aming pinatungkulan. “Hahahaha! Wala, wala kami!”

Teka, bakit kapag napag-uusapan ang matin-ding bed scene with Carla ay tuwang-tuwa si Gob. ER, samantalang kapag si Mama Guy ay parang iwas siya. Teka… bakit nga kaya?

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

25 thoughts on “Tinatapos lang ang kontrata sa The Buzz Charlene Gonzales, susunod na kay Aga Muhlach sa TV5!

  1. Karamihan yata sa mga artista sa showbiz palaging na blind item sa mga reporter na nagtikiman na. Kaya kung pangalanan mo sila, baka wala nang space na maiwan dito.

  2. As a matter of fact, when i went back to visit the philippines, ang daming beggar sa side street holding babies begging for money and i asked them where there husbands were and sinagot ako na wala daw silang husband, unwed mother daw sila. At nang pumunta kami sa Maynila ang dami ring prostitute sa kalsada at kapitbahay ng tyahin ko, pinipik up ng magandang sasakyan, tiyahin ko sinabing other woman daw yong kapitbahay nya na parang prostitute manamit.

  3. Jo hindi lang sa ABS ang maraming immoral na artista, pati sa TV5 din at GMA7 at hindi lang sa mga network na yon ang maraming immoral, dami ring mga immoral na ordinaryong pinay engaging in pre-marital sex, having children before marriage, hindi lang masyadong na news kasi they are not high profile celebrities, but if you find out from the census sa pinas kung how many thousands of unwed mothers are there, ma shock ka rin. Kung isaisahin man natin at pangalanan ang mga immoral sa ABS, hindi pa yan sapat kasi mayroon pa rin sa GMA at TV5.

  4. INSECURE BA KAYO SA TV5… ??? NATETHREATEN NA BA KAYO??? RAMDAM NA RAMDAM NYO BA ANG PRESENCE NG TV5…??? BAKIT PALAGING TV5 ANG BUKANG BIBIG NYO???  

  5. ay naku..maraming ngamamalaki sa abs cbn… TAMBAKAN NAMAN NG MGA IMMORAL NA ARTISTA… MAGSITIGL NGA KAYO..GUSTO NYO ISA ISAHIN KO PA PARA MATIGIL ANG PANLALAIT NYO.. SCANDAL NA NAG LOCK AT DINALA SA MAKATI MED.. SCANDAL NG MGA KABAKLAAN.. MGA TELESERYENG KUNDI PA SA MGA BETERANONG ARTISTA AY DI MAGKAKABUHAY SA ACTING… namumutaktak sa beteranong artista pero kung manghusga ng mga beterano sa ibang network SUKO ANG LANGIT.. TOO MUCH PANSIN NG ABS CBN FANS SA T V 5, meaning ramdam na ramdam nila ang presence ng TV5. BAKIT DI QTV11 OR GMA OR OTHERS…. ha ha ha  bye bye BITTERS..

  6. Anu ba ang misyon ng TV 5–ang i-revive ang career ng mga has beens?hahaha

    Jump from ABSCBN2 to GMA7 or TV5 and lose your luster.Kahit itanong nyo pa kina Clau, Mark Bautista, Jolina, Marvin at Rachelle Anne Go!

    hahahaha

  7. hanapin mo na rin pala sa internet kung kasama ba ang pangalan ni manny pangililnan sa 40 richest personalities in the phils. bago mo sabihin na may utang din ang abs sa kanya…. isa kang tipikal na kapuso na ga-munggo na nga lang ang utak sa talampakan pa nakalagay….

  8. hahahaha…. may hangal na isa jan oh…. kung makapagsalita naman toh kala talaga nya si manny pangilinan na talaga ang may-ari ng mga malalaking negosyo rito sa pinas, eh alipin rin lang yan ng banyagang mamumuhunan…. tanong mo pa sa salem family ng indonesia…. 

  9. Di bale ang LAOS station na maraming datung. Aanhin mo ang super popular (DAW) na abs-cbn na baon naman sa utang! Pati kay Manny Pangilinan, may utang ang kapamilya station na yan! Nakakahiya! World class daw, world class sa utang!

  10. Hoy morly baklang tuko, may limit ang mga joke-joke ng mga syoklang patay gutom na tulad mo…bigyan mo ng karampatang respeto si nora aunor!…kahit nagluka yan, haligi na yan sa mundong pinagkukunan mo ng malalamon ng pamilya mo!…kaloka tong baklang patay gutom na to!

  11. Sana nga mapalipat si Charlene sa TV5 ke laos siya o hindi w/ another showbiz talk show para mapaalis na si Fermin don pagsamahin sana sila ni Dolly Carvajal,mas maganda panoorin

  12. ala namang nanonood ng tv 5 kaya lang may tv 5 kasi sobrang madatung si manny p. carry niyang mangwaldas ng datung.sayang ang mga talents kung hindi naman pinapanood nag artista pa kayo

  13. hay naku yang mga artista kailangan nilang mabuhay kung walang projects di lumipat sila kung may offer, kesa naman ung mafreeze sila wala pang kita, getz nio?

  14. hahahaha nakakatuwa kyo,maski sino kung ndi na masaya aba ay dapatlumipat doble pa or triple ang mahalaga may suweldo ko moba naman sikat ang dos wla akong pakielam basta ako kapatid pag mga laos na iyang mga taga channel2 lilipat na iyan pero ndi na sila tatanggapin wla silang suweldo kaya ba ninyong suwelduhan ang mga taga 2?pasaway kyo ang arte ninyo tumulong na lang kyo sa kapwa tao ninyo kung tao kyo?pakielemera wlang sinabi…

  15. tama lang na lumipat na sa tv5 si charlene wala naman sya kabuhay buhay maghost wala naman sya impact n naibibigay sa buzz, kayang mabuhay ng buzz na si boy abunda at toni gonzaga lang ang host

  16. Iyon tungkol laplapan ni Carla & ER, gimmik lang iyon para ma curious ang mga tao while Charlene paglipat niya sa TV 5 , I think its right decision, dahil nadoon ang husband niya si Aga. Kuha mo!

  17. Si Aga, lumipat dahil wala ng trabaho. He needs the job. Si Charlene, meron na. So, kung lilipat siya at sasamahan si Mr., dapat kapantay din ng The Buzz ang ibibigay sa kanyang project. I agree, Maria. If this is true, I am curious as to who will take her place. Si Toni at Boy na lang ang matatag. KC is undergoing personal problems and hopefully will rise up to the occassion para naman hindi siya malaos. Kung papalitan si Charlene, I like Boy Abunda, Toni Gonzaga, KC Concepcion at Shamcey
    Sup Sup. Sabi ni Eddie Littlefield, si Shamcey daw is slotted for PBB and HYY. So sana, mali siya dahil gusto ko si Shamcey sa The Buzz. The 3 ladies will be known as beauty and brains with class and personality. Sana. . . .

  18. Kung lilipat si Charlene sa TV5, bakit pipiliin niya ang mag host sa Juicy, it’s like she is trading her Mercedez Benz for a taxi. If she moves to TV5, she should be given a new talk show with credible co-hosts, hindi yong isasak na lang sya doon grupong yon. From the Buzz coming down to Juicy. What logic is that?????

  19. Paparazzi o Juicy? You’re out of your mind! Ano akala niyo kay Charlene karnabal queen lang? Tuloy pa rin ang pangiintriga ng TV5 sa mga artista ng Kapamilya network. Ayusin niyo nga muna mga programa at signal niyo bago kayo manulot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.