Tinatapos lang ang huling commitment sa Siyete Regine Velasquez, tuloy na ang pagre-reyna sa Singko?!

MALALAMAN SA MGA susunod na araw kung ano ang katiyakan ng sinasabing loyalty ni Regine Velasquez sa GMA-7. Inilunsad sa press ang Diva, ang kauna-unahang kantaserye sa TV na pinangungunahan ng Asia’s Songbird. Sinasabi kasing ito na ang huling commitment ni Regine sa GMA, dahil sa pag-e-expire ng contract nito, tatapusin lang ang kantaserye at malaya nang makapagtatrabaho sa Regine sa ibang network.

May nagbunyag ng negosasyon between Regine’s camp and TV5 of Manny Pangilinan. Almost in the bag na raw ang pagre-reyna ni Regine sa Singko, pero wala pang pagkilos kaugnay nito dahil nga sa nirerespeto pa rin ang kasunduan between Regine and GMA-7.

For the nth time, may ganitong chika kay Regine. Noon, kamuntik na itong masulot ng ABS-CBN, pero napigilan ng GMA-7. This time, mapigilan pa kaya si Regine?

Well, your guess is as good as ours.

ITINUWID NI AIKO Melendez ang mga kumakalat na chikang kesyo binato raw siya ng itlog sa isang kampanyahan sa Batasan, Quezon City. Ayon sa kandidata sa pagka-Vice-Mayor ng Q.C., nakapagtataka raw ang ganitong chika dahil wala itong katotohanan. Wala raw ganitong kaganapan, no such incident as such.

“At sa Batasan pa?” Aniya. “Kumbaga, naroroon ang mga ka-barangay ko. Sa ibang lugar, baka mangyari pa ‘yun, pero wala talagang nangyayaring ganyan. Halos naikot ko na ang buong Quezon City at very warm naman ang pagtanggap sa akin ng mga posibleng botante.

“Walang batuhan ng itlog, o ng kahit ano pa. Baka nga may nangyaring ganyan, pero iba ang tinutukoy, at hindi ako,” makahulugang chika pa ni Aiko sa amin.

Mukhang nagkakapersonalan na rin daw sila ni Herbert Bautista, who’s running for Mayor naman. Nilinaw ni Aiko na walang conflict sa kanila ni Bistek. Wala raw itong personalan, at nagkataon lang kasing magkaiba sila ng partido. Nararamdaman din ni Aiko na kung anu-anong maling info ang nakararating kay Bistek kaya nakapagre-react ito, at nagkakaroon tuloy ng samaan ng loob. Pero para sa kanya, bahagi lang ito ng laro ng pulitika at hindi niya pinepersonal.

“Stick lang ako sa issue. Kung sinabi niyang wala akong nagawa bilang Konsehala, siguro, it’s about time na mag-enumerate na ako ng accomplishments, at baka nga hindi lang niya alam. Other than that, hindi ko ‘yun tine-take against him,” paglilinaw pa ni Aiko.

May mga nagkakalkal pa ng diumano’y lihim nilang naging relasyon at one point in the past.

“That’s not true,” aniya. “Wala kaming naging relasyon ni Bistek. Naging magkaibigan lang kami, at ‘yun lang ‘yun, but no intimate relationship whatsoever.”

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

6 thoughts on “Tinatapos lang ang huling commitment sa Siyete Regine Velasquez, tuloy na ang pagre-reyna sa Singko?!

  1. marami na dapat mga singers/artists/bands na dapat mag shine ngayon.sila sila lang kasi palagi..sawa na mga tao.yan sina regine ogie jaya puro one genre lang yan sila…puro RNB.atsaka cover songs lang alam nila.dapat bigyan nila ng spot yung mga unsigned artists para may chance naman mag shine..palakasan kasi kaya hindi ma tanggal..hehhe

  2. sayang ang songbird. wrong decision ang ginawa nya nung nagstay pa sya sa gma. tingin ko di na sya kelangn ng dos. may sarah g. tsk tsk tsk too bad for her. love ko pa naman ang asia’s songbird. :-c

  3. UPDATE nagsalita na ang lola nyo hindi sila lilipat sa TV5! malayo daw sa civilization ang studio ng TV5 magastos pa sa gasolina pumunta dun?

    • Sana bago nagko-comment, verified mo na totoo. Sabagay, ano pa nga ba ang i-e-expect sa mga tulad mo na loyalista ng chupa-dos, eh di napakalaking BOBO!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.